Chapter 35
NANGGAGALAITING lumabas ako sa cr, at agad na nilapitan si Shaun na nanonood ng tv. Galit na hinagis ko sa pagmumukha niya ang pinaghubaran kong damit na ikinagulat niya.
“KELAN MO PA AKO NILOLOKO?!”
“What—”
Inihagis ko sa center table ang dala kong pink na towel, girl shampoo, at ‘yong pink na toothbrush, “Now tell me.” nagtitimpi’t naka pamewang na sabi ko.
Tumayo siya, at humakbang papalapit sa akin. Umatras ako’t itinaas ang mga palad kaya huminto siya, “I—I can explain, fruitcake.”
“Bigyan mo’ko ng convincing na rason kung bakit—SINO SI KYLA MARIE. SINOOO?!” umalingawngaw sa buong silid ang boses ko.
“F—Fruitcake, she’s just a friend. N—Nakiligo lang siya kagabi dahil walang tubig sa kanila.”
Tumawa ako ng pagak, “Gabi? Nakiligo? Kayo lang dalawa. Sa tingin mo maniniwala ako na naligo lang talaga siya? Wag mo sabihin na walang nangyari sa inyo, hahambalusin kita!”
“Nothing happened to us—ugh sht!” walang pagdadalawang isip na hinambalos ko siya gamit ang baseball bat na nakita ko sa tabi.
CUUUUUT!
WINASIWAS ko ang mga kamay ko na animo’y binubura ang napakaintense na imahinasyon. Ano bang karapatan ko para mag wala ng gano’n? Napatingin ako sa mga damit ko na nasa laundry basket. Itatapon talaga ako ni Shaun sa bintana kapag itinapon ko ‘to sa pagmumukha niya.
Sino ba kasi ‘tong Kyla Marie na ‘to? Bakit ang dami dami niyang gamit dito? Napanguso ako sa iniisip. Iba ang kutob ko sa babaeng ‘to.
Ayoko mag overthink pero ayaw makisama ng utak ko. Pwedi naman na kapatid niya, o di kaya'y pinsang babae, ‘di ba? Tumango tango ako. Possible ‘yon. Teka, may kapatid ba siyang babae, o pinsan?
Hindi ko alam!
Teka...teka. Pa’no kung kay Angel higad ‘to tapos ang totoo niya palang pangalan ay Kyla Marie? Tapos mag live-in partners pala sila. Pinalabas lang nila na hiwalay sila kasi maraming tutol sa relasyon nila? Shuta.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Hanimals.
Teka, pa’no kung mahal pa nila ang isa’t-isa?
Waaaaah!Napatakip ako ng bibig sa mga nabuo sa isip. Aksidente ko atang nadiskobre ang pinakatinatagong sekreto ni Shaun!
Mas mabuting tanungin ko nalang si Shaun para masagot ang katanungan ko dahil hindi talaga titigil ang utak ko na feeling author/direktor sa kakaisip ng kung ano-ano.
Tama. Tama.
Pipihitin ko na sana ang door knob nang may napagtanto. Napabalik ako sa harap ng salamin, at parang timang na kinausap ang sarili.
“Xen, baka isipin no’n na may gusto ka sakanya kaya interesado ka sa buhay niya!” umiling-iling ako.
“Wala akong gusto sa isang ‘yon, ‘no. Asa naman.” dagdag ko. Napatitig ako sa sarili ko’t napahawak sa pisngi, “Wala nga ba?” I sighed. Napatili nalang ako ng mahina.
Napapitlag ako nang biglang may kumatok, “You okay? Need any help?” tanong ni Shaun mula sa labas.
“N—NO. AYOS LANG AKO.” nagmamadaling dinampot ko ang mga damit ko sa laundry basket. Napatingin ako sa pink toothbrush. Dinampot ko ito at tinitigan ng mabuti.
Ilublub ko kaya sa bowl?
Nabitawan ko ang toothbrush na animo’y napaso rito. Naku po. Nangangati ang mga inner demons ko na gumawa ng kasamaan. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit ba affected na affected ako?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...