36

2K 119 17
                                    

Chapter 36

NAGLALAWAY sa isip na tinititigan ko ang mga pagkain na inihain ni Shaun sa mesa. Napakaraming pagkain. Nakakatakam rin ang naghahanda—charot!

Pero seryoso, nakakagutom talaga ang mga inorder niya. Pero nakakapagtakang masyado atang marami ang pagkain para sa aming dalawa.

“Pupunta ba sila dito?” tanong ko habang pinagnanasahan si Shaun—este ang food na idineliver ng taong kumatok kanina. May chocolate pudding pa!

Tinuko niya ang mga kamay niya sa mesa, at tumingin sa'kin, “Let's just say that this is my offer of apology for what happened earlier.” napakamot pa siya ng noo.

Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin.

“I wanna make things clear to you. Hindi ako tumawa kanina ng dahil...do’n. Natawa lang talaga ako sa sarili ko. I really thought you were really shot on the bu—”

Hindi ko na siya pinatapos. Sinalpak ko agad sa bibig niya ang isang chicken nuggets para mapatahimik. Buset.

“Wag mo na kasi ipaalala!”

Tumango nalang siya’t nginuya ang sinubo ko. Tumingin ulit ako sa nakakatakam na pagkain. Ano kaya ang uunahin ko?

“So...am I forgiven?”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Anong akala mo sa’kin, bata na madadaan sa pagkain?”

“Yeah. Bata ang height—” inambahan ko siya ng sipa pero mabilis siyang nakatakbo palayo sa’kin, “I’m just kidding!” natatawang sabi niya.

“Uuwi na ako!” tumalikod ako para sana tutuhanin ang banta pero mabilis ang mga kamay niya’t nahawakan agad ang hood ng suot ko.

Dahil bigla niya itong hinila, nasakal ako na naging dahilan para maubo ako. Muntik pa akong matihaya! Nagulat din siya sa nangyari’t tarantang napabitaw sa suot ko.

“Sorry. Sorry. I didn’t mean—”

“Che!”

“Why can’t you just accept my sorry and eat?”

Hindi nakatakas sa’kin ang mukha niya na halatang-halata na nagpipigil ng tawa.

“Tuwang-tuwa ka pang h1nayupak ka. Di ka sincere!” tinuro ko ang labi niya na agad niyang tinakpan para itago ang nagbabadyang ngisi.

“Uuwi na talaga ako!”

Tinalikuran ko siya at paika-ikang tinungo ang pinto, pero mabilis pa sa alas kwatrong hinarangan niya ang daraanan ko.

“Seriously, fruitcake. I’m hungry. Let’s eat. Hindi ko kayang ubusin ‘yan ng mag-isa.” may tonong pagmamakaawang sabi niya.

Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa amin bago ko naisipang magsalita, “Say please muna.” taas noong utos ko sakanya. Pero ang h1nayupak, wala man lang imik.

Seryosong lang siyang nakatingin sa akin. “Ayaw mo? Edi wag.” dumaan ako sa gilid niya’t tuluyan na siyang nilampasan.

************

KUMAKAIN akong nakayuko dahil iniiwasan ko ang mala-ice stalactites niyang tingin sa akin. Kanina pa ata siya naghahasa ng patalim sa utak. Kasalanan niya rin naman kasi kung bakit niya natamo ‘yon!

Ganito kasi ang nangyari. Flashback, a few minutes earlier...

Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa amin bago ko naisipang magsalita, “Say please muna.” taas noong utos ko sakanya. Pero ang h1nayupak, wala man lang imik.

Seryosong lang siyang nakatingin sa akin. “Ayaw mo? Edi wag.” dumaan ako sa gilid niya’t tuluyan na siyang nilampasan.

Hinawakan ko ang door knob, pero hindi ko muna ito pinihit. May malaking parte ng utak na nagsasabing pigilan mo ako Shaun!

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon