MAKAILANG beses akong napamura sa isip ko. Everything seems so surreal. Nasa panaginip pa rin ba ako o di kaya'y nasa other world? Nababaliw na ba ako? Bakit sa dinamirami ng lalaki sa mundo, siya pa talaga ang lalaking 'yon, at sa laki ng mundo, dito pa talaga sila sa school namin napadpad. A real definition of sinuwerte na minalas!
Hindi ko alam pero bigla nalang napuno ang pantog ng wala sa oras nang malaman kong ang pangalan ng nialalang na 'yon ay Shaun. Yes, siya si SHAUN!
Nagpapasalamat na rin ako na tinawag ako ng kalikasan dahil nagkaroon ako ng rason para matakasan ang mga bagong salta. Hindi rin kasi ako sigurado kung pa'no ko sila haharapin! Kanina pa ako nagtatago rito-sa isa sa mga CR ng Armani, pero hanggang ngayon, wala akong maisip na maayos kung papa'no at ano ang gagawin ko ngayong iisa na ang mundo namin ng taong 'yon.
Napapitlag ako nang nagpatay-sindi ulit ang ilaw na dinaig pa ang christmas lights kada pasko. Kada patay ng ilaw ay napapakurap ako. Napatili ako ng hindi na muling sumindi ang ilaw, "Hutang'na, J-Jesus-Mary-Joseph, iligtas niyo ho ako." mahinang bulong habang nag sa-sign of the cross. Naaalala ko kasi ang kwento nila tungkol sa multo na nakatira sa isa sa mga CR ng Armani. Hindi ako sigurado kung ito ba ang CR na tinutukoy nila, pero parang gano'n na nga!
Hindi masukat ang kaba ko. My sweats were dripping like bullets on my forehead. Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatitig sa handle ng pinto, nag-iisip kung lalabas ba ako o hindi. Takot ako sa multo pero mas natatakot akong harapin ang lalaking 'yon. I could not ignore the possibility na pwedi niya akong saktan. He seemed serious.
Napamura nanaman ako sa isip nang marinig ang tunog ng kislap ng kurente dahil namamatay-sinding lightbulb sa kisame. Pinaparusahan na ata ako ng langit dahil sa kakulitan ko. Bakit ba kasi dito ko pa naisipang magtago?
Gusto ko ng lumabas pero dahil sa takot na baka nakaabang na ang mga 'yon sa labas ng pinto ng CR na'to-tinatakasan ako ng lakas ng loob. Mukhang dito na ako maagnas-charot!
Tamang tago nalang muna. Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone at tiningnan kung may mensahe ako mula sa mga baliw kong kaibigan. Unfortunately, tahimik pa sa menteryo ang notifications ko. Bawal nga pala ang cellphone sa klase. Gusto ko sana silang gawing mga mata ko para malaman ko kung ano na ang ginagawa o binabalak ni Shaun at ng gang niya.
"Tiis-tiis na muna. Fifteen minutes nalang." bulong ko habang nakaupo sa nakasarang bowl. Hindi na ako tumingala sa takot na baka may makita akong sadako na nakasilip. Itinaas ko rin ang mga paa ko sa takot na baka may mga naagnas na kamay na biglang manghila dito. Naramdaman ko ang pananayo ng balahibo ko kaya napahimas ako sa batok at sa braso ko.
Napapitlag ako at natigilan nang marinig ang pagbukas ng pinto-not my door, but the main door. Walang kibo ang pumasok pero sigurado akong tao 'yon at hindi multo base sa mga tunog ng yapak nito. Narinig ko ang isa-isang pagbukas niya sa cubicle, namimili siguro. Nakahinga ako ng maluwag sa ideyang may kasama na ako!
Ibinaba ko na ang paa ko. Tamang-tama rin na tumunog ang cellphone ko, palatandaan na may nagchat. Dali-dali ko itong tiningnan. Tamang hinala nga ako. Mga kaibagan ko ang nag message, hinahanap ako. Isesend ko na sana ang reply ko nang biglang pumasok ang tawag mula kay Nisha.
Pagkasagot, hindi ko na nagawang mag-hello dahil agad siyang nagsalita, "Hoy, baliw. Hinanap ka ni ma'am kanina. Bakit raw hindi kana bumalik sa klase. Asan ka raw?"
Tumikhim muna ako bago sumagot, "Nasa CR." mahinang sabi ko, "At bakit ka bumubulong ha?Ikaw, may hindi ka talaga sinasabi sa'min. 'Yong totoo? Kakilala mo ba 'yong mga bagong classmates natin-lalo na 'yong Shaun?" nagdududang tanong niya.
"M-Mahabang estorya, baliw. Kwento ko sa'yo mamaya. For now, pwedi favor?"
"What?" sabay na sabi ni Lex at Nisha. Halatang naka loudspeaker ang mga baliw, "Nakita niyo ba 'yong mga transferees? Gusto ko sana na bantayan niyo sila-"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...