Chapter 32
(A/N: Bago ang habulan scene, ito muna ang nangyari.)
Third person’s POV
HINDI na mabilang ni Shaun kung makailang beses na siyang napamura sa isip. Hindi na nga narinig ni Xenica ang gusto niyang sabihin kaninang umaga, niyakap pa ito ng lalaking ‘Chilhood friend’ daw nito. Ngayon naman, habang nililibot niya ang campus kasama ang mga kaibigan, hindi sinasadyang makita niya ang dalaga na naglalakad sa aisle ng marraige booth patungo kay Jeric.
He clenched his hard hands forming a tight fist. He wants to lose and punch someone right now. He heaved a deep sigh, and relaxed his fist. Bakit nga ba siya nagkakaganito? Wala naman siyang karapatan.
His eyesbrows pulled down together. He's obviously irritated. B¢llsht.
Inalis niya ang kanyang tingin sa dalaga, at ibinaling nalang sa iba ang kanyang atensyon.
Sa isip niya, if he acts that way, that fruitcake might think he’s f*ckn jealous. Bakit naman ako magseselos? I don’t care if he talks to other man, but—ugh sht!
If he acts like a jerk in front of her, that would make her uncomfortable. Sinipa niya ang kawawang maliit na bato na napagbuntungan ng inis niya. Natamaan nito ang kahinahinalang lalaki na may hawak na litrato at tila may hinahanap.
“ARAY! P†ANG'NA. SINO ANG NAMBATO?!” inis na sambit nito. Nakapamulsa’t patay-malisyang tinitigan niya lang ang lalaki na ngayo’y pinatatawanan ng mga kasamahan dahil natamaan daw ito ng ‘meteor’
Sinulyapan niya ulit si Xenica na ngayo’y naglalakad na palayo sa marraige booth. Silly, fruitcake. Wala atang balak magbihis. Humakbang siya papalapit sa direksyon nito. Huminto siya sa pwesto kung saan hindi siya nakikita ng dalaga. Pilit na inaabot ni Xen ang zipper sa likod ng gown, ngunit hindi niya ito maabot. Lumingon-lingon siya sa paligid, hinanap si Shaun para sana hingan ng tulong pero iba ang nakita niya.
Napansin ni Shaun ang kakaibang kilos ng mga lalaki habang nakatingin kay Xen. Malakas ang kutob n’ya na ang kaklase ang pakay ng mga ito. Hindi nga siya nagkamali.
Papalapit na rito ang mga mukhang goons kaya hindi masukat ang kaba ni Xen. Natisod pa siya sa gown na suot kaya hindi na nakatakbo.
Shaun knew he needed to do something. Bago paman makalapit ang mga goons sa dalaga, dali-dali niya itong kinarga. One arm on her legs and the his other arm on her back; in a bridal carry. Mabuti nalang at magaan ito kaya hindi siya masyadong nahirapan.
Hindi iyon ang unang pagkakataon na gano’n sila ka lapit ni Xen. But whenever it happens, he always notice her fruity, playful, sweet, warm and soothing scent.
She smells so good, and he likes it.
Hindi parin sila tinantanan ng mga humahabol sa kanila. Sinubukan niya itong iligaw pero nasundan parin sila ng mga ito. He ran into an alley. Alam niya na maraming pasikot sikot ang lugar na’to na agad nagbigay sakanya ng ideya.
“Magsitigil kayo!”
“HALER! AYAW NAMIN. WALANG TRAFFIC LIGHT!”
Shaun glanced at her, trying to hide his laughter. Fruitcake. He said in mind.
Matagumpay na naligaw niya ang mga ito gamit ang sapatos na itinapon niya sa kabilang iskinita. He has no idea why those guys were after her, but one things for sure, It just made him more curious about her.
Dahil naalibadbadaran na si Xen sa suot niya, huminga siya ng tulong sa kasama. Alam naman ni Shaun kung ano ang inuutos nito pero dahil sadyang nakakaaliw asarin ang kaklase, biniro niya muna ito.
In a swift move, he brought his face closer to hers making the girl stiffed in shock. Instead of laughing to Xenica’s reaction, he found himself staring at her lips—so tempting and inviting.
He slowly drew his face, ready to kiss her. But, in a split second, he suddenly remembered himself and immediately pulled a few inches away!
F*ck.
It not like it's his first time to kiss, but, the idea of kissing her makes him nervous. Hindi niya maintindihan ang sarili. He has lots of questions in mind.
Will she like it if I kiss her?
Will she kiss me back?
Is she into me?
Will she push me away?
How the hell can she make herself effortlessly cute?!Damnit. He exclaimed in mind.
Napatitig siya sa mukha ng dalaga na ngayo’y nakapikit. Nakanguso pa ang mga labi na tila may hinihintay. He can't help but smile.
“Do you want me to kiss you?”
She did not respond. He slowly brought his face again near her to tease her. Nang makitang hindi na ang komportable dalaga, hindi na niya itinuloy ang binabalak. Bagkus, pinitik niya nalang ito sa noo, at lumayo.
He laughed so hard thinking that it would get him away from the awkward situation. Napamura siya sa isip.
... this girl is driving me crazy.
-Shaun 2021------
Xena baliw POV
HINDI ko alam kung may mukha pa akong ihaharap kay Shaun dahil sa grabeng kahihiyan na ‘to. My gosh, matres ka. Bakit ngayon kapa nag papansin!
Ayaw ko ng tumayo, gusto ko na talagang mag-evaporate. Huhu.
“Hey... hey! Are you okay?” naramdaman kong inilagay niya ang daliri niya sa leeg ko, chinecheck ang pulso.
Ayoko gumalaw. Kaya nang itihaya niya ako, para akong lantang gulay. Jusmio, ano ba ‘tong pinaggagawa ko. Utang na loob lupa, bumukas ka! Now na.
“Something’s not right here.” rinig kong sabi niya, “Sht. Of course, she might have lost a lot of blood already, that's why! I need help here.” hysterical na pagmomonolog niya.
Lost a lot of blood?!
JUSMIO! Hindi pa ba ‘to nakakita ng natagusan sa buong buhay niya?! Shuta.Kinuha niya ang cellphone niya’t may tinawagan. Narinig ko nalang siya na biglang nagmura. Sinilip ko siya gamit ang isang mata ko, at nakita ko na abala siya sa pagta-type. Agad akong pumikit nang ibaba niya ang phone.
Binalak pa niya sanang silipin ang parteng may tagos na ikinawindang ng braincells ko.
Shutaaaaaa!
Buti nalang, tumunog ang cellphone niya kaya hindi niya naituloy ang binabalak. Hay, salamat.
Pero seryoso, pa’no ako makakaalis dito? Huhu.
----
A/N: Xena POV to be continued sa next chapter. Napagod na kamay ko e. 🤣
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...