7

3K 168 9
                                    

KINALABIT ko siya para kausapin tungkol sa message na ibinibintang niya sa'kin. Hindi ko tinigilan hangga't hindi siya lumilingon. Matapos ang sampung sunod-sunod kong kalabit, sa wakas lumingon narin siya na may kasamang nakakamatay na tingin.

"Ano nanaman?!" annoyed na tanong niya. Itinaas ko ang dalawang palad ko, "Relax. Masyado kang highblood. Kalma. May itatanong lang ako." mahinahing sagot ko.

"What?" ulit niya pero sa pagkakataong 'yon, malumanay na. Madali naman pala kausap. Tch.

"Tungkol sa text na ipinadidiinan mo na sinend ko no'ng araw na 'yon..." I raised both of my hands and gestured as if making a quote sign, "...na nakapagpalala ng sitwasyon." dagdag ko habang sumusulat parin ng quote symbol sa hangin.

He responded with a straightface, uninterested sa binanggit ko. Nag iwas siya ng tingin at ipinagpatuloy ang paghahanap sa ex-girlfriend niya sa paligid. Tumikhim ako. Nilakasan ko nalang ang boses ko para marinig niya ang sasabihin ko.

"MAY GUSTO LANG AKONG ITANONG TUNGKOL DO'N."

He glanced and glared at me, "Stop making a scene!" sita niya. Ngumisi ako, "Nilakasan ko para marinig mo! Ang ayos ayos ng approach ko tapos tinatarayan mo'ko."

"May tanong lang kasi ako." dagdag sabi ko, "I hate nonsense questions."

I rolled my eyes heavenwards, "Napakasuplado. Nonsense agad? Hindi mo pa nga naririnig." bulong ko.

"Fine, hindi na ako magtatanong pero gusto ko lang linawin sa'yo na malinis ang konsensya ko, at wala akong alam sa sinasabi mo na text.Wala akong itinext no'ng araw na'yon dahil una sa lahat, naubusan ako ng load? Make sense ba?"


"Yes, I know." sagot niya. Namilog ang mga mata ko at napatakbo papunta sa harapan niya, "Alam mo?"

"Oo, alam ko na wala kang load." pinanliitan ko siya ng mata sa sinabi niya, "Alam mo naman pala. Anong pinaglalaban mo?!"

"You texted me using your other number, fruitcake." diretsang sagot niya. I let out a huff, hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

Pumalakpak ako ng tatlong beses, at nanunuyang tumawa, "Grabe. Grabe talaga. Other number? May other number pala ako? Mabuti pa ikaw, alam mo kasi ako hindi." muli akong pumwesto sa tabi niya, at siya nama'y sinunandan ako ng tingin.makad na ako sa tabi niya. Nagandahan siguro sa tawa ko—charot.

Huminto na ako sa pagtawa habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Itinaas ko ang kamay na may hawak no'n, "Iphone user ako at original 'to, hindi dual sim!" sunod kong binuksan ang inbox messages. Iniharap ko ang screen at ipinakita sakanya na walang message na nasend sa number niya no'ng araw na'yo. May isang message sa thread pero not delivered ang mensaheng 'yon.

"Look, tingnan mo ang date ng not delivered na message na'to. Ito ba ang tinutukoy mo?" iniabot ko ang cellphone ko sakanya. Napahakbang siya ng isang beses paatras na tila nandidiri sa cellphone ko.

"Do you think I'm stupid?" hindi natutuwang wika niya habang pinanliliitan ako ng mata, "Keep that thing away from me. Baka ano pang germs ang meron 'yan."

That was the most jaw dropping insulting 'kaartehan' that I've heard in my whole life. Napabuga ako ng hangin sa i, hindi makapaniwala sa sinabi niya, "ARTE MO!"

Huminga ako ng malalim, inirapan siya at humarap sa kabilang direksyon. Pero hindi talaga pwedi na hindi ko malinis ang pangalan ko kaya't kahit ayaw ko na siyang kausap, muli ko siyang hinarap.

Sakto rin na lumingon siya sa akin kaya nagtama ang mga namin. Ilang segundo kaming nagsukatan ng tingin, "Papatunayan ko na inosente ako."

Iniharap ko ulit sakanya ang screen ng phone, "Ito lang talaga ang message na meron ako no'ng araw na'yon." mariin na sabi ko. I navigated the phone in his front para makita niya talaga na wala akong binubura o kung ano.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon