Chapter 12
KAGAT-kagat ang kukong paulit-ulit kong pinindot ang refresh F5 sa keyboard ng laptop, nananalangin na sanay mag-iba ang mga numerong nakikita ko sa screen. Nakakapanghina dahil hindi ito nagbago. Nagkanda buhol buhol na ata ang mga internals ko kaba, at tila iniwanan ako ng utak ko dahil wala akong maisip na solusyon! Basta ang alam ko, I'm so freaking triple, triple dead meat sa h1nayupak na'yon.
Naiiyak ako sa mga numerong nakikita! Putrag1s.
"H-Hindi naman reliable ang site na'yan. Kalokokohan. Cellphone? Ganyan kamahal?! Try...try na'tin sa shopee baka mas mura." balisang sabi ko.
"Iphone naman kasi ang tinutukoy nating cellphone, baliw." itinaas ni Nisha ang mga kamay at gumuhit ng quote sign sa hangin gamit ang mga daliri.
"Baliw, iphone site na 'yan baliw. Wag kang baliw. 'Yan ang latest prices ng mga gadgets nila." natatawang sagot ni Lex.
"How to unsee? Mababaliw na talaga ako nito. Sa'n ako kukuha ng ganyan kalaking halaga?!" nanlulumong sabi ko sabay sabunot sa buhok. "Anong gagawin ko?!" dumukdok ako sa mesa, at pinadyakpadyak ang mga paa.
"How about this. Bigay mo nalang sarili mo sakanya as payment." suhestyon ni Nisha. Nag angat ako ng tingin at napaisip sa sinabi niya, "Sa tingin niyo? Tatanggapin niya kaya ako bilang pambayad?" tanong ko sakanila.
Nisha and Lex shrugged their shoulders, "Ewan. Hindi kami ang makakasagot sa tanong mo kundi si Shaun lang." nakangising sagot ni Nisha.
Muli akong dumukdok sa mesa, at umiyak na parang batang may tantrums. Tumatagingting na otsenta mil po pala ang halaga ng cellphone na nawala ko. Just great.
"Kumirot ang kidney ko. Gusto ata magpatanggal at mag pabenta." nagawa ko pang mag-biro. Umayos ako ng upo na tila nakaisip ng magandang ideya, "Tama! 'Yong kidney ko—aray!" masamang tingin ang itinapon ko kay Lex, "Ba't ka nananabunot?!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Para gumana man lang kahit papa'no 'yang utak mo. Kidney talaga baliw? Marami pang solusyon kaya think outside the box!" tila ate na nanenermong sabi ni Lex.
Ngumuso nalang ako, at sumadal. Kunwari naubusan ng lakas. Hay. 'Yan napapala mo, Xen. Kung sinauli mo lang 'yon kahapon, hindi na sana aabot sa ganito. Tuloy, may rason nanaman ang tadhana para ma link ka sa Shaun na'yon—para sirain ang best year mo! Hutang'na.
Inangat ko siko ko at sinilip ang kili-kili ko, "Tumatanggap naman siguro siya ng babaeng may maputing kili-kili, at maputing legs? Keri na siguro 'to?" nawawalan ng pag-asa na bulong ko.
Umiling silang dalawa na hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Hmm, not sure. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka niya type 'di ba?" nanunuyang sabi naman ni Nisha. Seryosong tingin ang ibinigay ko sakanya bilang tugon, "Ouch." nakangising wika ni Lex na nakahawak pa sa bandang puso, at uma-akting na nasasaktan.
"Kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka." nanlulumong sabi ko. Nasampiga lang naman ako ng katotohanan. Hindi naman ako umaasa na magustohan ng h1nayupak na'yon, pero kung makapagsabi na hindi niya ako type, parang ang pangit pangit ko.
Sakto lang naman. Pwedi na pang-gala sa mall ang beauty.
Hinawakan ako ni Lex sa magkabilang pisngi na ikinayupi ng mukha ko. Sinipat niya ito, "Hindi ka naman gan'on ka pangit, baliw. Kulang ka lang sa hilod."
"YAH!" iniatras ko ang mukha ko para makawala sa ito sa mga kamay niya, "Hilod ka d'yan. Wala talaga siyang taste!" taas noong sabi ko.
Kung sa pagkain, ako 'yong tipong huhusgahan mo sa pisikal na anyo. Walang garnish, walang sauce, at walang topping pero pag natikma'y masasabi mong totoo ang kasabihang once tasted always wanted.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...