LAHAT ng kaklase ko'y natahimik, at natigilan sa mga ginagawa nang makita akong pumasok ng classroom. Sobrang kaakit-akit ko kasi sa araw na'to—charot lang. Pero seryoso, awang-awa ang mga mata nilang nakatuon sa akin. Inulan rin nila ako ng mga tanong. Kesyo napa'no raw ako, bakit ganito itsura ko.
"Mahabang istorya, guys. Wag kayo mag-alala. Okay lang ako." malumanay na sagot ko sa kanila.
"Hoy, Xenica. Dapat umabsent ka nalang." worried na suhestyon ng class president namin na awang-awa sa itsura ko, "A—Ayos lang talaga ako, pres."
Hindi ko na pinansin ang ibang tanong ng mga kaklase kong usyosero't usyusera. Tinungo ko na ang upuan ko. Huminto muna ako saglit para tingnan ang pwesto ng hari ng mga h1nayupak na nakakapagtakang bakante kahit malapit na ang oras ng klase. Mas nauuna kasi 'yon sa'kin parati.
Muli akong humakbang sa patungo sa upuan ko, at maingat na umupo para hindi masira ang suot ko. Gumising pa man din ako ng maaga para lang makapagbihis ng ganito. Habang inaayos ko ang pagkakasandal sa saklay na dala ko, narinig ko ang usapan ng nasa dalawang kaklase ko sa likuran. Parang nanlaki ang tenga ko nang marinig ang pangalan ng mga h1nayupak—lalo na ang pangalan ni Shaun. Sumandal ako sa upuan habang pasimpleng ito iniusog para mas marinig ko ang pinaguusapan nila.
"Hay, wala pala inspiration natin today, bes."
"Eh? Bakit raw?"
"Nagtext si Louie kay pres. Sabi may emergency raw kaya aabsent muna silang apat. Hindi ko rin alam kung ano ang emergency na'yon..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga iba pang salita na kanyang sinabi sapagkat sapat na ang narinig ko para magpa-party ako today!
May mga pagkakataon talaga na nakapaganda ng salitang ABSENT sa pandinig ko. Absent sila...absent si Shaun—wala ang h1nayupak!
"YES!" biglang sigaw ko. Napatayo ako't napasayaw sa labis na tuwa, "WOOOH!" natigilan ang mga kaklase ko na hindi makapaniwala sa nakita. Puno ng pagtataka na napatingin sila sa binti ko na may benda. Iniisip siguro nila kung bakit nakakasayaw ako kahit injured.
"Napilay ba talaga siya?"
"Mukang hindi katawan ang injured. Utak."
"Sinasabi niyo?" taas kilay na tanong ko sa dalawang babaeng nagbubulongan sa likuran ko na rinig ko naman. Mabilis silang nagsiiling, at ngumiti ng pilit, "W—Wala. Mukhang okay na binti mo." palusot nito sabay turo sa paa ko.
"Talagang naging okay siya bigla." Nahimasmasan talaga ang puso ko na muntik ng magkapulikat dahil sa kaba. Ikaw ba naman makawala ng iphone?! Pero dahil wala ang h1nayupak, nakahinga ako ng maluwag. Kahit papa'no, may oras pa ako para makapag-isip ng solusyon.
"Oh, my gosh. Baliw! Anong nangyari sa'yo? Napa'no ka? Bakit ganyan?!" histerical na tanong ni Nisha na kakarating lang. Isang malapad na ngisi ang itinugon ko sakanya, "Mahal talaga ako ni Lord."
"Pasalamat ka talaga't may kunting puntos ka pa kay kamatayan, at hindi kapa tinuluyan. Napano ka ba?" nag-aaalalang tanong rin ni Lex na kakarating lang din.
Nawala rin ang mga ngiti ko ng mapagtantong hindi dapat ako nagcecelebrate. Alam ko naman talaga na ang solusyon sa problema ko ay pera, pero kailangan ko pa mag-isip ng iba dahil wala akong gano'n—I mean meron naman pero sakto lang sa pang-araw araw ko. Bagsak balikat na sumandal ako sa upuan, napaismid. Bakit ba hindi ako nauubusan ng problema? Kriminal ba ako sa past life ko para parusahan ako ng ganito?
Nagtatakang napatingin ang mga baliw kong kaibigan sa mga paa ko na walang tigil kong ipinadyak, "Hoy! Hindi masakit?!" nagaalalang tanong ni Lex.
"Anong drama mo, baliw?" natatawang tanong ni Nisha. Inilipat-lipat ko ang mga mata ko sa kanilang dalawa. May mga kaibigan nga pala akong rich kids, baka may maitulong ang mga 'to. Unti-unting bumalik ang makulit kong ngiti dahil sa naisip. Relax, Xenica. May solusyon ang lahat ng problema!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...