23

2.3K 134 18
                                    

Chapter 23

ABALA ang lahat sa panghuling araw ng paghahanda ng kanya-kanyang booth. Bukas na kasi magsisimula ang ARMANI FOUNDATION DAY ng school...at excited ang lahat EXCEPT me!

Buset na president kasi! Sa lahat ng booth na pweding piliin para sa section namin, haunted house pa napagdiskitahan. Go na go naman ang mga kaklase ko. Takot pa naman ako sa mumu. Dagdag mo pa na sa abandonadong building ng campus kami nagset-up kung saan may gumagala raw talagang mga ligaw na kaluluwa.

Shutang’na lang. Ayoko na talagang sumali!

Naiingit ako sa mga h1nayupak dahil hindi sila kasali sa preparation ng section namin. Myembro kasi sila ng Armani Basketball team kaya exempted ang mga loko.

Buti nalang, nagkaroon ako ng rason para makaalis sa lugar na‘yon. Nagkulang kasi sa materyales kaya ako na agad ang nag presentang bumili, of course, kasama ang mga baliw. Matapos naming mabili ang mga kailangan, hindi muna kami umuwi. Nagikot-ikot na muna kami sa loob ng mall.

Nagsipasok kami sa isang kilalang boutique, at nagsipili ng damit. Hindi ako ang bibili ng damit kundi si Lex lang. Tumili siya ng mahina ng may makitang cute dress. Humarap siya sa amin, at ipinakita ito.

“I like this!”

“Cute siya. Kukunin mo?” tanong ni Nisha. Bago paman makasagot si Lex, tiningnan ko ang price tag nito. Agad ko itong nabitawan na tila napaso nang makita ang presyo.

“Ang mahal naman!”

“I know. Mas lalo naman akong pagagandahin ng dress na’to so worth it pa rin. ” she reasoned out. Mukang hindi na namin mababago ang isip niya.

“Sino nanaman kaya ang pinopormahan.” makahulugang parinig ni Nisha na tumitingin-tingin sa ibang damit sa rack.

“P—Pinagsasabi mong pinopormahan? I need to mentain my image as the Armani Queen, ‘no. And beside that, I’m one of the Armani’s model student so kailangan ko talagang maging presentable parati.” paliwanag ni Lex.

“Maniwala.” pang-aasar namin ni Nisha, “Yah!” natatawang hinampas niya sa amin ang dress na hawak niya.

“Pero maiba tayo, mas bet ko‘to.” ipinakita ko sa kanila ang dress na kulay sunshine yellow.

Nakangiwing kinuha ni Lex ang hawak kong dress, at ibinalik sa rack. “Wala ka talagang ka taste-taste kaya until now ‘di ka nagkaka boyfriend, baliw.”

“Loser ‘yong mga lalaking looks lang tinitingnan. Hindi ko kailangan ng gano’n sa buhay ko. Gusto ko ‘yong magugustohan ako kahit ano man ang itsura at istilo ng pananamit ko.” ngumisi ako, at kumuha ulit ng ibang dress, “At isa pa, dagdag gastos lang ‘yang mga pampaganda na ‘yan.”  dagdag ko.

Hinawakan ako ni Lex sa balikat at iniharap sa kanya, “Baliw, alam kung kuripot ka sa mga ganitong bagay, pero ‘yong totoo? Tinitipid ka ba ng dad—”

Mabilis kong inilagay ang hintuturo ko sa labi niya kaya siya natigilan. Tila nakuha niya naman ang gusto kong sabihin—na ayaw ko ‘yong pag usapan.

Umatras siya bahagya, at napangiwi.
“Seryoso, ang baho ng kamay mo!” pag-iiba niya ng usapan. Nandidiring pinunasan niya ang kanyang labi.

“Tapos dinikit mo pa sa lips ko. Oh my gosh!”

“Hoy, naghugas ako ng kamay. ” natatawang inamoy ko ng kamay ko, “Amoy sanitizer pa nga.” paniniguro ko. Nagtawanan kaming tatlo habang papalapit sa counter.

“Pakiramdam ko, malapit ka ng magka-boyfriend, baliw. Mukang alam ko na kung sino. Siya ay si... ” nakapikit na sabi ni Nisha na animo’y pinapakiramdaman ang universe.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon