Chapter 13
IMBES nag re-relax lang sa kwarto dahil week end, andito ako sa labas at nakikipagsapalaran. Naghahanap ako ng trabaho para mabayaran ang cellphone ni Shaun the hinayups. Gusto ko sana na isumbat sakanya 'yong binayad ko sa taxi no'ng araw na iniwan niya ako sa airport, para naman kahit papano'y makunan ng kunti ang tumatangingting na otsenta mil na 'yon. Alam ko na barya lang 'yong pero sabi nga nila, every barya counts! Pero kahit naman gawin ko 'yon, malaki parin ang kulang~
Help me, Lord!
Bagsak balikad na nagpatuloy ako sa paglalakad habang naghahanap ng mapapasukan. Until now, hindi parin ako makapaniwala na nangyayari sa'kin 'to. Dinaig pa ng isang cliche wattpad story ang buhay ko kung saan kapag may kasalanan ka, agad ka nilang ginagawang alila. Buset na h1nayupak!
"ONE TASK IS EQUALS TO ONE PESO."
'Yan ang mga exact words mula sa bibig niya. Sa bawat utos, isang pisong bawas LANG sa otsenta mil. Kumusta naman po 'yon?! Hindi ako magaling sa math pero sa calculation ko, kung oras oras niya akong uutusan, aabot hanggang nine years ang pagiging julalay ko sakanya. SIYAM as in NINE freaking years with that jerk? NO WAY! Nu-uh.
Natuwa na sana ako kasi gwapo, hot at yummy ang na prank ko kaso isa siya sa mga example ng kasabihang NOBODY'S PERFECT.
Kahapon, masyado niyang inenjoy ang unang araw ko bilang alila niya. Benteng NAKAKAPAGOD na utos! Nabawasan nga ng bente pesos pero para sakin hindi worth one peso ang mga utos niya. Nakakainis talaga. Kaya ngayon, desidido na akong maghanap ng trabaho para may maipambayad na ako sa walang pusong h1nayupak na 'yon. 80k talaga ang gusto. Hindi naman brand new 'yong iphone niya. Wala man lang discount, buset!
Bente. Bawas na ng bente ang utang ko.
80,000 - 20 = 79,980php
Kunti nalang. Kunti nalang talaga at mababaliw na ako kung saan ako kukuha ng gano'n kalaking halaga. Jesus-Mary-Joseph, pahiram ng savings niyo!
----
HINDI man ako pinahiram ng mga taga langit, dininig naman ako ni Lord. Natanggap na kasi ako sa isang café dito sa isang mall bilang isang part time barista. YES!
"Pwedi ka na ba mag simula today? Short kasi kami sa tao." tanong ng gwapong manager sa akin na mas lalong ikinaliwanag ng mukha ko. Agad akong tumango ng walang pagdadalawang isip. "Ay, walang problema sir!" masigla kong sagot. Sumilay mula sa mga labi nito ang matamis at nakakalambot tuhod na ngiti.
“Ang tamis naman–” mabilis kong naitapon ang mga kamay ko sa talapindas kong bibig nang mapagtanto ang sinabi. Shuta!
Buti nalang, hindi niya narinig.
“Nice! I like your energy, sissy. Gora ka na do'n sa locker area, nandoon ang uniform mo. Taralets!” sinabayan niya ito ng tatlong beses na palakpak sabay talikod.
Natapilok ako sa kinatatayuan at naiwang tulala’t hindi makapaniwala nang masaksihan ang pagkembot niya. At ‘yong pananalita niya kanina... confirm!
Sister siya!
Sayang naman. Bakit kadalasan sakanila mga gwapo?! Natigilan ako ng maisip ang h1nayupak. Pumapatol at nang aaway ng babae si Shaun... hindi kaya, member din siya ng LGBTQ?!
Iniling-iling ko ang ulo ko para burahin ang naisip. Jusmio. Wag naman—charot.
And speaking of the devil, nasipat ng mga matanglawin kong mata ang familiar na likod ng isang anghel—este hudas. Parang mga model na naligaw sa mall ang h1nayupak. Ano kayang ginagawa nila rito?
Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon sa direksyon ko si Shaun. Pigil hiningang mabilis akong tumalikod sabay takbo sa locker area. Shuta. Nakita niya kaya ako?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...