18

2.6K 135 33
                                    

Chapter 18

SOBRANG init at ang baho-baho. Sabi ko na nga ba’t malaking pagkakamali ang pagpayag ko sa utos niya na nagkakahalaga ng 20k.

Wag siya magpapakita sa’kin, mababalatan ko ng buhay ang h1nayupak na‘yon.

“Ganyan,” humalakhak na parang timang sina Lex at Nisha ng sundin ko ang inuutos nila,  “Talon-talon lang baliw, tapos kembot. Ganyan nga! ” natatawang sabi ni Lex.

Dahil wala akong choice, at dahil nandito na rin ako,  tapusin ko nalang kahit ayaw ko. Para sa bente mil!

“Pag naka score ang team nila Shaun,  punta ka sa gitna tapos mag wild ka. Kalmutin mo ang mga taga kabila.” instruct naman ni Nisha sabay tawa na parang siraulo.

Tiningnan ko ang mga malalaking paa ng pusa na animo’y gloves na suot suot ko sa kamay ko. Makalmot nga si Shaun nito.

Gusto kong umupo ngunit hindi ko magawa dahil nahihirapan ako sa suot ko.  I deeply sighed at huminto na sa pagkembot.

“Tigil tigilan niyo nga ako kung ayaw niyong ipasok ko kayo dito sa loob ng mascot!” inis na sabi ko sa kanila.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa loob ng locker room ng team nila ni Shaun. Napakalaking pusa ko sa araw na ito.

“Pa’no ba mag-cheer ang pusa?” inis na tinanggal ko ang ulo ng mascot.  Sa wakas nakahinga ako ng maluwag. Pinunasan ni Lex ang noo ko na pawis na pawis.

“Deserve ko 80k sa kalokohan na’to.” naiiyak na sabi ko na sinabayan ng pagdadabog ng paa.  Nagtawanan lang na parang timang ang dalawa kong kasama.

Sinamaan ko sila ng tingin. Kaya pala. Kaya pala. May alam ‘tong dalawa pero sinuportahan pa nila ang h1nayupak. Now I know bakit gusto nila ako magdala ng extrang damit. Alam nila na maliligo ako sa pawis dahil sa suot ko!

“Yong totoo, kaibigan ko pa ba kayo?” kunwari tampo na sabi ko.

“Hey, baliw. Wag ka na magtampo. Alam kasi namin na hindi ka papayag. 20k din naman, at isa pa, pagkatapos ng game, hindi mo na susuotin ang mascot na’yan. You can thank us later. ” paliwanag ni Lex.

“Right, beshywap.” gatong naman ni Nisha.

“Ewan ko sainyo. As if naman na may choice ako. Kelan ba magsisimula para matapos na‘to?” nangangati ng leeg na tanong ko.

Ito, ito ‘yong help me with something na tinutukoy ni Shaun.  Ginawa lang naman akong MASCOT ng team nila. Team WILD LIONS.  Super cute ang mascot at maputi sa labas pero mukhang hindi nalabhan ng maayos. Amoy araw at pawis sa loob plus nangangati ako!

Tila narinig ni Glen ang tanong ko, at siya na ang sumagot. Nakasilip ito sa pinto ng locker area, nakajersey na. “Tara na. Mag sisimula na ang laro, girls. ”

“Okay!” excited na sagot ng dalawang baliw. Isinuot ni Nisha sa akin ang ulo ng pusa, “Basta tandaan mo ang steps ha.” paalala niya.

Inaalalayan ako ng dalawa nang biglang maghiyawan ang madla sa labas. Sikat na dance troup ata ang nag pe-perform. Dahil ayaw nilang mamiss ang performance, iniwan nila ako!

“Hoy!” tawag ko sa kanila pero wala, iniwan na talaga nila akong hirap na hirap sa paglalakad. Maling apak ko lang, madadapa talaga ako.

“Need help?” tanong ni Glen. Sa kanilang tatlo, ito lang ang may maliit pang sungay eh.

“Sure. Palit tayo. Ikaw dito.” biro ko.

“I heard that.”  napapitlag ako sa biglaan pag sulpot ni Shaun. May lahing kabute ata ‘to. May sinabi siya kay Glen kaya umalis ito.  Tumingin siya sakin at nanakot nanaman.

“Failure to do the task. 20k deduction.” 

“Joke joke joke! Kalmutan time!” isinuot ko na ang ulo ng lion at finlip ang mahabang buhok nito sabay takbo palabas.

Pero sobrang tanga ng sahig, nadapa ako ro’n. Sinubukan kong gumulong-gulong para tumayo, pero bigo ako. Natigilan ako ng marinig ang mahinang tawa ng h1nayupak.

“Fruitcake.”

Imbes na barahin, iniabot ko sakanya ang mga malalaking paa ng pusang mascot.

“Tulungan mo kaya ako?”  naiinis pero nagmamakaawang sabi ko sakanya. Imbes tulongan, tinalikuran niya lang ako.

“Walang awa talaga.” hawak hawak ko ang ulo ng lion para di matanggal.  Wala pa man ding ibang tao sa area na ‘yon.

Sinubukan ko ulit na gumulong-gulong para makatayo. Tila dininig ng langit ang aking panalangin. May dumating!

“Oy pre,ayos ka lang?” 

Mabilis at tahimik akong umiling bilang tugon. Walang pagdadalawang isip na inalalayan niya akong tumayo. Thank God!

Ka team sila ni Shaun base sa uniform niya. “Pre,  lampa mo talaga, kumain ka kasi ng gulay. ”

Pre? Pre tawag niya sa’kin?

“Capt,hanap ka ni coach.” sabi nong sumilip na ka team din nila. Tumango siya bilang tugon.  Laking gulat ko ng hampasin ako sa likod ng kaylakas. Muntik pa ako mabuwal!

“Tara na, pre!” aya niya sakin.

Shuta ang sakit no’n!
Anong akala niya sa’kin? Lalaki? Hindi ko na nagawang magsalita dahil umalis na siya.

Nakasunod ang mga mata ko sa likod niyang papalayo na may numerong 4.

Mr. number 4. Infairness, may itsura!

------

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon