Chapter 29
HINDI ko talaga inakala na ang tinutukoy nilang sikat na teenage star na Kei, at ang childhood bestfriend kong si Cytot ay iisa.
Malay ko ba!
May itsura talaga si Cy noon pa man kahit chubby pero hindi ko inakalang may iga-gwapo pa ang isang ‘yon. Glow up ‘yan?
Kanina pa ako kinukulit nina Nisha at Lex na magkwento kung pa’no kami naging magkaibigan ni Cy. Sana all pa sila ng sana all kesyo ang swerte ko raw dahil may kaibigan akong artista. Atat na atat rin silang malaman kung kelan daw kami muling mag-kikita ni Cy dahil sasama raw sila.
Napakakulit! Tinakbuhan ko nga. Hehehe!
Dinala ako ng mga paa ko sa parte ng Armani kung saan nakapwesto ang mga rides kagaya ng carousel, ferries wheel, at ang mini-rollercoaster. Gusto ko sana sumakay sa ferries wheel, at carousel kaso sobrang haba pa ng linya nito. Napa-ismid ako ng mapansin ang mag-jowa na nagsusubuan ng cotton candy sa harapan ko.
Respeto naman!
Bumili nalang din ako ng sarili kong cotton candy para naman mabawas bawasan ang pagka-bitter ko. Habang nilalantakan ang makulay na bulak, may dalawang lalaking tumawag sa’kin ng ‘Strawberry’.
Hindi ko naman kamukha ang prutas na’yon, ‘no. Pinagsasabi ng mga ‘to? Nilampasan ko lang sila’t ipagpatuloy ang pagkain.
‘Sigurado ka bang siya ‘yon?’
‘Siya nga ‘yon! Kilala ko ‘yan. Si miss strawberry nga ‘yan’Napahinto ako’t napaisip nang mapagtantong familiar ang mga mukha ng mga lalaking tumawag sa’kin ng strawberry. Sa’n ko nga ba sila nakita? Napapitlag ako ng makitang nasa likod ko na sila.
“Miss, pasensya na ha! Kailangan lang talaga naming manalo!” panghihingi nito ng paumanhin.
“Pahiram muna kami ng oras mo, miss!” dagdag naman ng kasama nito.
“PINAGSASABI NIYO? HINDI KO KAYO KILALA—”
“Bilis mo naman makalimot. Myembro kami ng Wild Lions.” pakilala ng isa sa kanila. Ay, kaya pala pamilyar ang mga itsura.
“Naalala ko na pero ba’t Strawberry tawag niyo sa’kin? Mukha ba akong prutas na pula na may green na dahon sa ulo?”
“Mamaya na namin ipapaliwanag—”
“Pucha, nakakita na sila!” tarantang anunsyo ng kasama niya nang makita ang isang grupo na may hila-hilang lalaking naka white t-shirt, at white shoes.
“Sorry, miss!” pagkasabi niya no’n, walang pasabing isinabit niya ako sa balikat niya’t itinakbo sa kung saan. Jusmio! Dinamay pa ako sa kalokohan nila.
-------
MAY pakulo palang laro na ‘BRING ME’ ang game booth, at ang pinapahanap nila ay someone who’s wearing white t-shirt and white shoes. At dahil ‘yon ang suot ko ngayon araw, ako ang nakidnap ng mga naligaw na leon na’to.
Gustong-gusto nilang manalo dahil ang premyo pala ay kiss mula sa isang cute girl na kamukha ni Barbie Forteza. Buti hindi ‘to natunugan ng mga h1nayupak.
Sa kasamaang palad, ‘di nanalo ang mga loko. Walang awa ko lang naman kasing pinagkukurot ‘yong kumarga sa’kin kaya nabitawan niya ako ng wala sa oras. Tuloy, naunahan sila no’ng isa.
“Sayang ‘yong kiss!” nakangusong sabi ni Bobby habang nakatingin sa mga nanalong hinahalikan. Inabutan ako ni Jake ng juice na grapejuice flavor, “Pasensya na kanina, miss. Pero hanep, sakit mo mangurot.” natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...