19

2.3K 128 12
                                    

Chapter 19

FORMER school pala ng mga h1nayupak ang Harris Academy, at kaya’t nandito sila ay para maglaro. Ex-member sila ng HA basketball team na Wild Lion. Mascot nila ‘tong puting leon na nangangalmot.

WARW!

Nandito sila para maglaro ng basketball para tuldukan raw ang naudlot na pustahan nila ng karatig school. Basketball team naman ng kabilang school ay Warrior Serpent. May mascot rin sila. Isang malaking cobra na akala mo’y hine-hepatitis dahil dilaw na dilaw. Todo giling pa ito habang hinihintay na magsimula ang 1st quarter ng laro.

Ako? Walang kwentang mascot lang naman na nakatayo sa tabi, nag hihintay ng prince charming—

“AY—HOY, ANO BA!”  gulat ma’y wala akong nagawa sa harsh na pagtulak ni Nisha, at pwersahang pag hila ni Lex sa akin papunta sa court. Sa bigat ng mascot, hindi ko na nagawang magpumiglas kaya’t tuluyan na nila akong naitapon sa court.  Buset nayan!

“ENERGY,  BALIW! Padadaig ka ba? Showdown kayo ng cobra, dali!” sumisigaw na sabi ni Lex.

Puno ng tao ang gym, at hindi ko maiwasang hindi tablan ng hiya. I am standing in front of these fersons—nakakahiya talaga! Buti nalang talaga, naka mascot ako.

My thoughts were interrupted, and my eyes widened when I saw the serpent approaching. Gumigiling pa ang hini-hepatitis na cobra,  sumasayaw sayaw na animo’y bulateng naasinan papalapit sa akin.

Nabalot ng hiyawan ang gym. Animo’y sabik na sabik sa sunod na mangyayari sa pagitan ng ahas at leon.  Crap!  I felt so many eyes watching. Mas lalong nagkagulo ang internal organs ko sa kaba. Parang lalabas na ang puso sa kaba. Papansin talaga ‘tong ahas na’to!

Gawin ko kaya siyang isaw?—charot.

Show off ang animas. Umiikot-ikot pa talaga sa akin, hinila pa ang buntot ng puting leon na suot ko. Aba!

Hinahamon mo talaga ako, ah.  Sige, pagbibigyan kita. Siyempre, may alam din akong pang malakasang jabawokee steps.

I surprisingly got over my fears when I started dancing, jumping, and tumbling.  Parang nagugustohan ko na ang pagiging mascot ko.

Hindi ko man nasalo ang mga pina-ulang dance talent ni Lord, kahit papano’y marunong naman akong mag-macarena with teach me how to doggie twist!

Eyy. Eyy. Eyy!

Laking pasasalamat ko ng  pumito na ang referee, hudyat na mag sisimula na ang laro.  Humihingal na nilapitan ko sina Lex at Nisha na parang malalagutan na ng hininga sa kakatawa.

Aalis na sana ako roon para uminom ng tubig, ngunit ng makita ko ang mga players, I changed my mind!  Shems.  Nag-gagwapohang players lang naman kasi ang maglalaro. Bitamina at minerals sa aking byetipol eyes. Siyempre, counted na si Shaunie—este ang h1nayupak na ngayo’y seryosong nakikipag usap sa captain nila na si Mr. number 4 na tumulong sakin kanina.

I think i’m gonna love basketball now!

I looked up the crowd who’s cheering the teams goodluck for today’s game.  Mas lumakas ang hiyawan nang tuluyan ng magsimula ang laro. 

Sa first quarter, makikitang nag wawarm up pa sila.  Hindi pa gano’n karaming puntos ang nagagawa—it’s a bit sloppy, pero nang magsimula na ang 2nd quarter,  doon na nag simula ang totoong laro.

Hindi ko maiwasang mamangha nang sunod sunod na makapuntos ang Wild Lions.  Intensity has went to another level.  Mas lalo nilang ginalingan habang papalapit ang third quarter. Magaling si Shaun—este pabibo siya!

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon