Chapter 25
MASYADONG malakas ang kalaban. Kahit anong pagpupumiglas ko’y hindi ako makatakas. Walang awang hinigpitan nila ang pagkakahawak sa’kin. I can’t escape. Katapusan ko na ba?
Hindi maaari!
“TAMA NA!” I exclaimed.
Hindi man lang nila pinansin ang hinaing ko. Sinabuyan pa nila ako ng pulang likido, at do’n na nga ako nawalan ng malay—CHAROT LANG!
Napadura ako nang may mangilan-ngilang fake blood na tumalsik sa bibig ko, “Pweh! ‘No ba ‘yan?Panget naman ng lasa!” reklamo ko.
“Ubos na kasi ‘yong chocolate milk flavor.” paliwanag ni Nisha na siyang nagsaboy sa’kin no’n, “Pero sabi nila, masarap naman daw ‘yang corn syrup flavor. ” dagdag niya.
“Wala ba silang strawberry flavor?” umiling si Nisha bilang tugon. Binalingan ko ng tingin ang dalawang nilalang na nakahawak sa dalawang braso ko, at kanina pa todo bantay para hindi ako makatakas.
“Bitawan niyo ‘ko. Sasamain kayo sa’kin.” banta ko kina Sid at Bret, mga kaklase kong loyal follower Lex. Pinagbantay niya lang naman sa akin.
“Ayan. Tapos na.” anunsyo ni Nisha. Natapos na rin niya sa wakas ang paglalagay ng nakakatakot na make-up sa’kin.
“Pwedi niyo na siguro akong bitawan?
Bumitaw nga sila, at pumwesto sa harap. Hindi napigilan matawa nina Sid at Bret nang makita ang itsura ko, “Bagay.” naka thumbs-up na sabi ni Sid. Mabilis silang nagsitakbo palayo nang itaas ko ang kaliwang paa ko para sana sipain sila.
Inagaw ko kay Nisha ang dala dala niyang malaking hand mirror para tingnan ang itsura ko. Napasigaw ako sa gulat ng makita ang halimaw sa salamin.
Jusmio!
Hahawakan ko sana ang mukha ko pero mabilis na pinalpal ni Nisha ang kamay ko. Naiiyak na sinuri ko ang prosthetic make-up.
“Baliw ka! Matatanggal pa ‘ba ‘to?” nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa kulubot kong itsura.
Sabog na sabog ang wig na suot ko, gutay-gutay pa ang t-shirt na akala mo’y nilapa ng aso, at higit sa lahat para akong may ginawang krimen dahil sa madungis kong itsura gawa ng pekeng dugo. Nilagyan pa ako ng matatalas na ngipin, at ‘yong mata ko pulang pula dahil sa contact lens—homaygaad!
Ibinaba ko ang salamin at ngumawa. Nakakatakot! Paniguradong babangungutin ako nito mamayang gabi. Napapitlag ako ng may iba pang nakakatakot na nilalang ang pumasok sa tent na pinagbibihisan ko.
“Wow, parang totoo. ” puri ng white lady na parang si Sadako ang dating. Obra rin ni Nisha ang nakakatakot niyang itsura. Truth to be told, may talent talaga ang kaibigan ko sa mga ganitong bagay. Nakakaproud.
“Hugasan ko muna ‘to.” tukoy niya sa mga make-up brush na ginamit, “Wag ka tatakas.” paalala niya, “As if naman na tatakas ako na ganito ang itsura!” she laughed.
“Baliw ka talaga. D’yan ka lang. I’ll be back.” ulit niya. Lumabas na siya ng tent, pati na’rin ang kaklase ko na ginawang white lady kaya naiwan akong mag isa doon.
Ilang oras nalang, mag bubukas na ang horror booth. Hindi sana talaga ako pupunta, pero no’ng maalala ko ‘yong sinabi ng class adviser namin na may plus 100 points ako sa extra curricular activities kapag pumayag ako na maging mananaggal, nilunok ko nalang ang takot ko. Kailangan ko ang puntos na‘yon sa nanganganib kong grades.
Para sa 100 points!
Sumilip ako sa pinto para tingnan kung ano na ang nangyayari sa labas. Maraming tao sa campus ngayon; mga students na nagmula pa sa ibang school. Gustong-gusto ko na mag-libot, pero hindi pa pwedi. Kapag lumabas ako na ganito ang itsura, baka mapagkamalan akong wakwak na inabutan ng umaga. Napabuntong-hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...