Chapter 49
AYOKONG bumangon! Bakit pa ako babangon kung ‘yong sagot ko sa tanong na ‘Kanino ka bumabangon’ ay may jowa na?
Well, hindi pa naman talaga sila. Wala pang official statement. Pero sa’n pa ba papunta ‘yong pa-date date nila? Di’ba?
Nanlulumong nagtalukbong ako ng kumot, pumikit ng taimtim. Matutulog nalang ako ulit tapos gigising nalang ako sa Lunes—
SHUTA! KAILANGAN KO PALA TALAGANG PUMUNTA!
Si Louie—pa’no na si Louie kung hindi ako sisipot? Hindi siya pweding maexpel! Napabalikwas ako ng bumangon, napatitig sa pares ng dilaw na tsinelas na suot ko, at napaisip.
Kaya ko ba na makita silang magkasama? Iniisip ko pa lang, para na akong magkakasakit. What more kung nasa harapan ko na sila, at nag lalabing labing pa? Tsssk.
Ito na ba ang tinatawag nilang lovesick?
Kapag talaga nangisay ako, nabagok at namatay, mumultohin ko talaga sila! Hay, ano ba ‘tong mga pinagiisip ko. Ginulo ko ang buhok ko’t pabagsak na nahiga. Ngumawa pa na parang batang inagawan ng candy.
Wala na talaga kaming pag-asa. Anong laban ko sa Cherry bomb na ‘yon? Bukod sa pagiging epal, wala na akong ibang maipintas sakanya. Perfect na perfect.
Sarap gasgasan!
Walang ganang inipit ko ang buhok kong kakatuyo lang sa harap ng salamin. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang araw na sinabi ng h1nayupak na ka date niya si Cherry. May saltik talaga siya sa utak.
Inaasar-asar pa ako sa classroom nong araw na’yon tapos bigla nalang hindi namamansin. Yes! He’s been giving me cold shoulders since that freakin’ day! Ano kasalanan ko sakanya?!
Porket may bebegurl na siya? Gano’n?!
Napaka! Walang pansinan pala ang nais? Pwes, hindi ako papatalo. Mas maigi na ring ganito para mabilis akong makapag-move on.
Ows, talaga ba?
Dahil may pinaglalamayang puso, inayon ko na rin ang kulay ng damit ko. I wore a fitted black tshirt, fit na fit na babakat talaga ang curves. Pak! Tinernohan ko ito ng kakie shorts jumper na above the knee. Buti nalang biniyayaan ako ni Lord ng katawan na kahit anong isuot ko’y hindi ako nagmumukhang dugyot; bumabagay naman lahat ng damit. Kahit basahan pa ‘yan!
Suot ko rin ang white sneakers na favorite. Matapos kong itali ang sintas, pumili ako ng bag. Gusto ko gamitin ‘yong bag na matigas, para naman may maipanghampas ako sa dalawa kapag naalibadbaran ako—charot!
Pero seryoso, alas dose y media na pala. Napasapo ako sa noo ng maalalang si Shaun nga pala ang i-cocontact ni Ryu. Nag-iinarte pa naman ‘yon. Dapat hihingin ko sana kay Prez kahit e-mail niya man lang kaso hindi ko siya nakita kahapon. Nawala narin sa isip ko!
Masyado kasing bothered ang puso’t-isip ko dahil sa pag-iinarte ng h1nayupak kaya ito, nga-nga.
Nagliwanang ang mukha ko ng maalala si Kyla. Makikisuyo nalang ako na i-chat, i-message, o di kaya’y tawagan si Ryu. Tama. Tama. Agad ko siyang chi-nat.
Tila nabunotan ako ng tinik nang agad siyang nagreply. Bago ko sabihin ang pangunahing pakay, sinabi ko muna sakanya na may lakad kami ni Ryu. Ikinatuwa ko naman na ayos lang ‘yon sakanya.
Hay, buti nalang hindi selosa.
Nalibang ako sa pakikipagusap sakanya kaya muntik ko makalimutang makikisuyo nga pala ako! Mabilisang akong nagtype pero hindi pa nga ako nangangalahati, may kumatok.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...