28

2.1K 124 19
                                    

Chapter 28

PLANO ko sana na maglibot-libot, at e-enjoy ang huling araw ng Foundation day ng mag-isa, pero ngayon, binabawi ko na. ‘Di naman pala masamang kasama ang mga h1nayups.

‘It’s on them’ na raw lahat today.
Iba talaga ‘pag rich kid. Libre overload!

Kahit papano’y naibsan ang sama ng loob ko na gawa ng nangyari kaninang umaga. Daig pa kasi ni Shaun ang babaeng may toyo.  Bigla nalang nag-inarte. Kapag kinukulit ko, parang asong ulol na gustong mangagat. Tinantanan ko nalang kaysa ma-rabies ako.

Wag pilitin kung ayaw, pero sayang parin ‘yong offer niya. Buset na mga girls—este ‘yong van pala dahil iyon ang puno’t dulo kung bakit sila nagsigawan.

Napag-alaman ko na ang sakay pala no’ng van na itim ay isang artista. At nasabi ko na ba na sikat na artista ang anak ng may-ari ng Armani High?

Siyempre, hindi pa dahil ngayon ko lang din kasi nalaman. Hehe!

Sikat na teenage singer/actor daw na nagngangalang Kei. Hindi siya familiar sa’kin. Puro K-DRAMA lang kasi ang pinapanood ko kaya wala akong alam sa mga nangyayari sa mundo ng showbiz sa pinas. Mas update pa ata ako sa showbiz sa Korea. Relate kayo?

Nandito siya sa Armani para mag guest sa mangyayaring battle of the bands mamayang hapon. Dahil hindi ako interesado sa mga ganyang bagay, hindi ko na inalam ang buong detalye o kahit man lang ang itsura ng artista.

---

NAGPAHINGA muna kami sa booth na may pangalang ‘KAMAYIN MO’ kung saan may sandamakdamak na finger foods na nakahain. Nakakatakam!

Pero kahit nakakagutom ang mga pagkain sa booth, may dalawang nilalang ang walang ganang kumain. Hindi si Shaun, hindi ako, kundi ang lovers na sina Lex at Rob.

Sumulyap ako kay Rob na hindi magkamayaw kakasuyo sa jowa niya. Kanina kasi, may grupo ng cute girls ang nagpapicture kay Rob. Dahil sa nakasanayan na niya ito, at nakalimutan niya ata na kasama ang girlfriend niya, pumayag ang loko.  Sumabog tuloy ang bulkan. Haha!

Patay malisya lang kami  sa pag-aaway nila’t ipinagpatuloy ang pagkain. Nang mapansin kong  nakatingin si Rob sa’kin na tila nanghihingi ng tulong, agad akong nag-iwas ng tingin, at lumingon sa katabi ko. 

Ayoko nga makisali. Kasalanan niya naman.

Sakto naman na paglingon ko, tumingin rin pala ang katabi sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Kanya-kanya naman kami ng iwas. Taray mo Shaun!

Palihim ko siyang sinulyapan. Muli niyang isinubo ang corndog na hawak. Napakaswerte naman ng corndog na‘yan.

“No’ng bata pa ako, pangarap ko na talaga maging corndog.” I softly uttered. Mahina lang ‘yon pero sobrang talas ng pandinig niya’t narinig ang ibinulong ko.

“Really?”

“Ha—ah ano, c—corn dog... CORN DOG MAKER! G—Gusto ko talagang magkaroon ng gano’n.” palusot ko. Nagmamadaling sumubo ako ng choco pudding, “S—Sarap ng pudding. ” pag-iiba  ko ng usapan.

Kung alam ko lang na aandar nanaman ang katalapindasan ng bibig niya, dapat pala hindi na muna ako sumubo ng pudding. Nasamid talaga ako ng marinig ang sunod niyang sinabi.

“I thought you wanted to become a corndog because you wanted me to eat you too.” his lips curled into a silly smile. Tuwang-tuwa ang loko sa pinasasabi.

“An1mal—IN YOUR DREAMS!”

Hinampas ko siya sa braso, pero hindi man lang natinag ang loko. Muli siyang sumubo ng corn dog habang nakangisi. Asar! Yumuko nalang ako, at sunod-sunod na sumubo ng pudding. Ayan nanaman siya sa EAT EAT na’yan!

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon