34

2K 119 14
                                    

Chapter 34

MARAMI-RAMI ata ang kasalanan ko sa past life ko’t minamalas ngayon ng husto. Gusto ko   tuloy magpaipit sa pinto ng elevator para ma deads, tapos bawi nalang ako sa next life—charot!

Pero seryoso, gusto ko na talagang magpalit. Masamang tingin ang ipinukol ko sa likod ni Shaun habang nakapwesto sa likoran niya sa loob ng elevator. Ayaw kasi akong pahiramin ng pampamasahe ng taxi! Buset talaga.

Tinanong ko siya kung sa’n kami pupunta. Sinagot lang ako ng FOLLOW ME.

Basta ang alam ko lang, papunta kami sa 30th floor. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi niya naman siguro ako hahalayin? Or kakatayin? Hay ewan.

Naiinis man ako sakanya, hindi ko parin maiwasang mamangha sa ganda ng likod niya. Tipong-tipo ko ‘yong ganyang hubog. So masculine!

Sarap mag piggy-back ride sa likod na’yan!
Wooooy~

Hindi ko namalayan na nangingiti na pala ako. Agad akong umayos, yumuko at nag kunwaring naghahanap ng piso nang bigla siyang lumingon. Talas talaga ng pakiramdam.

He didn’t say a word. Muli siyang nag iwas ng tingin. Dahil hindi naman siya kalayuan sa pwesto ko, amoy na amoy ko pabango niya; hindi man lang nangamoy pawis! Mas lalo pa atang bumango ang h1nayups. Jusmio. Heaven scent.

Pasimpleng ako humakbang, ‘yong saktong distansya lang sa likod niya. Maamoy nga...

Bango talaga—

“You’re sniffing like a dog.”

“Oo, bango kasi ng ulam—” nanlaki ang mata ko’t napatakip ng bibig. Naitulak ko pa s’ya ng hindi sinasadya sa gulat ko.

“P—Pinagsasabi mo?!”

He shrugged. Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago lumabas ng elevator. Nasa 30th floor na pala kami. Sinampal-sampal ko ang bibig ko, pati narin ang pisngi kong namumula na panigurado dahil sa kahihiyan.

Tuloy, gusto ko nalang magpaiwan sa elevator, bumaba sa ground floor at maglakad pauwi. Shuta.

Pasara na pinto ng elevator nang may kamay na pumigil dito, “Are you just going to stand there?” tanong ni Shaun.

“Ha—”

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Walang pasabing hinawakan niya ako sa braso, at marahan na hinila palabas ng elevator. Lumapit siya sa isa sa mga pinto sa palapag na ‘yon, at binuksan ito.

Napaawang ang bibig ko nang makitang naka high tech smart door lock ang pintong ‘yon. ‘Yong kagaya no’ng mga lock sa pinto sa K-DRAMA! Sarap baklasin at ilipat sa kwarto ko. Heheh!

Magnanakaw ka talaga, girl.

Nauna ng pumasok si Shaun sa loob ng silid, at ako’y naiwan sa labas. Napalunok ako ng laway sa naisip ko.

N—Nasa hotel ba kami? Anong gagawin namin dito? Jusko, hindi ko pweding isuko—

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak ang pares ng indoor slippers, “Wear this and come inside.” sabi niya sabay lapag ng mga ito sa harap ko, “Stop thinking silly things, fruitcake.” dagdag niya na tila nababasa ang malisyosa kong isip.

“W—Wala naman akong sinasabi!”

“Your face says it all.” ngumisi nanaman siya ng nakakaloko, “Come in. I won’t bite.”

Nakakatakot ang mga ngising ‘yan!
Napalunok ako ng laway.

“Wag na wag kang gagawa ng kung ano. Idedemanda kita!” banta ko sakanya.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon