47

2.6K 122 67
                                    

Chapter 47

KAKAISIP ko sa message ni Kyla, hindi ako nakatulog ng maaga. Bakit pa kasi i-nunsent niya ‘yong message? Pa'no kung isang sekreto malupit ‘yon tapos nag bago ang isip niya’t binawi nalang agad? Pero pa’no kung walang kwentang mensahe lang pala ‘yon? Gagi.

At isa pa, ano ‘yong favor niya?

Hay, hindi ko talaga maawat ang wagas maka-overthink kong isip. Tuloy, late na ako!

Nagmamadaling bumaba ako ng jeep at lakad-takbong tinungo ang gate ng school. Sikwenta minutos lang naman akong late! Buset na’yan. Literal na ‘I’m too early for the next subject’ talaga.

Na-swipe ko na ang ID ko’t hahakbang na sana papasok ng campus nang may marinig akong busina ng sasakyan. Hindi ko na sana papansinin pero nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin, napahinto ako’t napalingon.

Siya nga. Kasing liwanag ng sikat ng araw ang ngiti niya. Lumabas siya ng kotse, at nilapitan ako.

Naalala ko ‘yong chat niya kagabi na may favor siya sa’kin. Hindi ko akalain na ngayong umaga pala siya dadaan. Wala ba siyang class?

“Goodmorning! Oh, no. You’re soooo late.” natatawang sabi niya bati ni Kyla sa’kin. Pinaalala pa talaga. May test pa naman kami. Iyak.

Tipid akong ngumiti, “Kaya nga e. Napasarap sa tulog.” pagsisinungaling ko.

“Nga pala. Here.” inabot niya sa’kin ang isang pink heart shaped box. Napatitig ako sakanya ng may pagtataka, “Thank you, pero hindi ko naman birth—”

“Would you do me a favor and give that to your SSC president?”

Ay, oo nga pala! Ito ‘yong favor na nabanggit niya sa chat. Ang feeler ko sa part na nagthank you ako.

Walang pagdadalawang isip na tumango ako, “Sure. Sige. Makakarating ‘to sakanya.” I assured.

“Great!” she excitedly replied.

Inusisa ko ang hugis pusong box, at napaisip. Ba’t siya mag bibigay ng napakaromantic na bagay sa lalaki—sandali nga lang!

Nagliwanag ang mukha ko’t napangisi sa napagtanto, “Kyla. Si Pres ba? Siya ba ‘yong tinutukoy mong XYZ sa kwento mo no’ng nakaraan? Si Pres. Ry—”

“SSSSSHHH!” inilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang labi, “You’re too loud.” she whispered. Lumapit siya sa’kin at bumulong, “Yep! Siya nga.”

Napatili ako ng mahina’t agad nagtakip ng bibig. ‘Yong lalaking nakausap ko no’ng araw na inaway ko ang vending machine ay ang Armani SSC president namin.

Si Pres. Ryu.

“Nakausap ko siya isang beses.”

“Gwapo niya, ‘di ba?” kinikilig nitong tugon. Tumango ako kasi may itsura naman talaga ang isang ‘yon, “Bagay kayo.” mas lalo pa itong kinilig sa sinabi ko.

Natawa nalang ako ng mahina, “Nga pala. I won’t stay long. Magsi-CR lang ang paalam ko sa school e. Chat nalang tayo—”

“Teka, Kyla. ‘Di ba mas maganda kung ikaw na mag abot sakanya?”

“Yeah. Gusto ko gawin ‘yan but you see, ‘di ako makalapit sakanya.” she sighed, “He ignores my chats, my text, my calls. Such a jerk. I hate it. If be thinks I would stop, nagkakamali siya. Mas ginaganahan ako sa lalaking pa hard to get.” nakangisi nitong sabi.

Ay, grabe. Sa ganda ni Kyla, iniignore?! Shuta. Kumusta naman ‘tong pagmumukha ko.

“Kaya tulongan mo ako sakanya’t ikaw na ang magbigay. Pretty please? I made those chocolates for him hashtag with love.” proud niyang sabi, “Okay, okay. Leave it to me. Sisiguradohin ko na magkakabalikan talaga kayo!” nag apir pa kaming dalawa.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon