Chapter 46
MAY pinapanigan ang lintik na gravity na’yan dahil no’ng hinahabol ako ni Shaun, nadapa lang naman ako at napa-kiss on the grass ng wala sa oras!
Tuloy, isang malakas na pitik nanaman ang napala nang maabutan. Huta. Ayos lang sa akin ‘yon pero ang hindi ko matanggap tanggap eh ‘yong trenta mil na deduction. Pinakausapan ko siya pero sadyang hype na hype ang pagkahudas niya’t binaba lang sa 29,999.
Sabi pa niya, “Earn it again.”
Eh kung sabunan ko kaya eyeballs niya para malinawan siya?! Huhu.
Convinced na sana ako na meant to be kami dahil parehas kaming marunong mag korean kaso nakakawala talaga ng kilig kapag may sapi siya. Psh~
Mabilis lang ang oras, uwian nanaman. Saktong paglabas namin nina Lex at Nisha sa gate ng campus, huminto ang isang kotseng itim. Sakay no’n si Kyla na nakangiting kumakaway sa akin.
“Oy, si ano—”
Natigilan si Nisha nang isubo bigla ni Lex ang isang piraso ng chips, “Sino?” tanong ko. Umiling si Nisha habang ngumunguya.
“W—Wala.” sambit niya matapos lunukin ang chips. Sumulyap sila kay Kyla na nasa loob ng kotse. Nagkatitigan ang dalawang baliw na tila nag uusap gamit ang mga mata nila. Ano nanamang trip ng dalawang ‘to?
Gusto kong alamin kung ano ang trip nila pero mas gusto kong alamin kung bakit nandito si Kyla. Wala naman kaming usapan. Hindi kaya si Shaun ang sadya niya o ‘yong nagugustohan niyang guy sa Armani?
“Is she waving at us?” tanong ni Lex. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasa amin ang mga mata niya. Ako nga ata ang kinakawayan niya. Itinaas ko ang kamay ko para tugunan iyon na ikinapagtaka naman ng dalawa.
“You know her?” tanong ni Lex, “Hindi ko alam na may friend ka sa Harris.” she added.
“May nangangaliwa sa friendship.” may himig tampong parinig ni Nisha, “Tumigil ka nga.”
Bumaba ng kotse si Kyla, at nilapitan kami. Dumikit si Nisha sa’kin at bumulong, “Ganyan ba talaga siya ka obsess sa pink—ugh!” palihim siyang siniko.
“Xen!” tawag niya sa’kin ng makalapit. Ngumiti ako bilang pagbati. Nginitian ni Kyla ang dalawang baliw na halatang palihim na pinagmamasdan ang kaharap na mahilig sa pink.
“Si Nisha at si Lex nga pala.” pakilala ko sa dalawang baliw, “Nice to meet you, Lex and Nisha!”
Pumagitna ang nakakailang na katahimikan sa kanilang tatlo sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil first meeting nila?
“I know you didn’t expect to see me today, but I had to come here.” basag ni Kyla sa katahimikan
“Bakit? May problema ba?”
She pouted and smiled, “I’m really, really bored.” napakurap ako, hindi makapaniwala sa rason niya.
Kinabahan pa ako, bored lang pala. Speechless ako.
“Wala ka kasing phone then you’re offline on messenger and coming here is my last resort.”
Wala ba siyang friends sa school niya?
“Ah. Buti nalang naabutan mo pa ako. Papauwi na sana kami. Pa’no mo nalaman—”
Ay, magkaklase nga pala kami ng ex-fiancee niya. Malamang nagtanong ‘to. Nakatitig sakin si Kyla, hinihintay ang sunod kong sasabihin.
“Hmm?”
“Wala. Wala.” tanggi ko sabay iling, “Hindi ka naman busy, ‘di ba?” tanong ni Kyla.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...