43

1.9K 111 12
                                    

Chapter 43

HINDI ako makapaniwala na naka-face to face ko ang kabit—este karibal ko na si Kyla Marie! Nakasubsub ang ulo ko sa desk habang nakalingon sa dako ni Shaun na abala sa pagsusulat. Napabuntong hininga ako. Kahit papano, nakakabawas ng sadness ang kagwapohan niya.

Tila kumikislap siya gawa ng sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Napangiti ako bahagya nang maalala ang Saturday coffee date namin. Yiiieee.

‘Yong landian—este kwentohan namin no’ng araw na’yon. Kahit kunti lang at kaya kong bilangin ang mga palitan namin ng salita, nakakakilig pa rin. Shuta kasi. Kinabahan ang ferson niyo that time kaya nawala ang kadaldalan!

Pinunasan niya pa ang gilid ng labi ko dahil nang lalaway na raw ako sakanya. Nang-aasar e. Gusto ko siyang sipain dahil sa kilig. Bwahaha. Giddy giddy yup yup yup yup ang malantong kong puso.

Napaismid nanaman ako nang pumasok sa isip ko ang magandang mukha ng kabit ni Shaun.

Abot kilay na tinitigan ko si Shaun. Nakakainis kasi! Naramdaman ata ni Shaun ang himutok ko’t napalingon. Nagtama ang mga mata namin. Dahil nga may topak ako ngayon, agad akong lumingon sa kabila para iwasan ang tingin niya. Natanaw ko naman si Nisha na may dalang notebook na nakabuklat. Kunot noo kong binasa ang nakasulat doon. Nanlaki ang mga mata ko’t napatayo, inagaw ang notebook at isinara.

Baliw talaga! Kinurot ko nga.

Nakasulat kasi: HOY AWAT! BAKA MATUNAW SI SHAUN!

Jusmio. Nawa’y hindi ‘yon nabasa ni Shaun. Nakakahiya. Pero seryoso, nahuli narin niya naman akong nakatingin sakanya kanina, diba? Ano naman. Hindi rin naman ata nabasa ni Shaun dahil abala nanaman ito sa pag susulat.

Tch. Ewan.

“Girls. May papabili ba kayo? Pupunta kami sa canteen.” tanong ni Glen out of nowhere.

“Pudding!” mabilis kong sagot, “Ilan?” dagdag tanong niya sakin. Walang ganang itinaas ko ang kamay ko na inapir naman ni Louie.

“Five. Five pudding it is.” sabi ni Rob. Inakbayan ako ni Louie.

“Tamlay mo ata ngayon, babes. Basa ata tae—ughh!” kinurot ko siya kaya napabitaw. Binatukan pa siya ni Rob, “Pucha naman, dude!”

Marahas na inakbayan ni Rob si Louie at kinaladkad na palabas, “Sakalin mo pa, please.” pahabol kong biro.

Napaismid ako ng makitang sumunod rin si Shaun sa kanila. I rolled my eyes heavenwards. Tch. Naiinis ako sakanya. Charot.

Nakasunod ang tingin ko sa likod ni Shaun nang bigla humarang si Lex dito. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at kinurot ito ng marahan.

“Baliw. Mamaya mo na pagpantasyahan si Shaun. Laro muna tayo!”

“Gaga, hindi ko siya pinagpapantasyahan.” mabilis kong sagot, “Sows. Kilala na kita. Anyway, laro tayo!”

“Wala ako sa mood—”

“Chereeeen!”

Isang laruan ang inilabas ni Nisha. Tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin paupo ni Lex, “Wala kaming pake kung wala ka sa mood. Heheh.”

Kinuha ni Nisha ang kaliwang kamay ko. Ipinatong sa laruan—anong laruan ba ‘to? They locked my hand to the toy using its strap.

“Ano nanaman ‘to?” nagtatakang tanong ko.

“Lie detector toy!” sabay na sagot ng mga baliw. Pumalakpak pa na parang seal si Lex, “Kapag nagsinungalin ka, mangingisay ka talaga.”

“Weh? Naniniwala kayo sa laruang ‘yan?” walang ganang tanong ko, “Parang hindi naman reliable.” dagdag ko.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon