Chapter 39
NAKABUKAS pa rin ang pinto kaya hindi ako sumuko’t patuloy paring nagpumiglas. Paligayahin ko raw siya. Sinto-sinto ata ‘to e! Muli niyang pinatakbo ang sasakyan pero dahil hawak ko ang manibela, naging pasuray-suray ang takbo nito.
“BITIWAN MO’KO#@*$”
Muli niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang mabaho niyang kamay. Nanggigil na kinagat ko iyon kaya nabitawan niya ako ng wala sa oras. Agad rin siyang nakabawi’t muling ipinulupot ang braso niya sa leeg ko.
Sana may makapansin sa kakaibang takbo ng sasakyan. Mas gusto ko pa ata na mabangga nalang ang kami kaysa sa mahalay ng isang ‘to!
Napikon ata siya sa ginawa ko kaya may panggigil na hinigpitan niya ang paghapit sa leeg ko. Nakalabas pa ang paa ko sa nakabukas na pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang sumayad ito sa kalsada. Jusmio! Ayoko pa maputulan ng paa!
Tinantanan ko na ang manibela at inilipat ang kamay ko sa kanya. Kinapa kapa ko siya hanggang sa naabot ang kanyang kili-kili. Sinuksok ko ang daliri ko roon at kiniliti siya. Napamura nanaman siya sa ginawa ko. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa lumuwang na ang pagkakasakal niya sa’kin.
Jusko. Sana wala siyang putok!
Sa kalagitnaan ng panlalaban ko, natigilan kaming dalawa nang bigla kaming banggain ng isang sasakyan mula sa likuran!
“Tang’na—sht!” halos mabingi ako sa malutong na mura ni kuya bitter. Showering pa ang laway. Kadiri!
Lumingon siya sa likuran para tingnan kung sino ang may gawa no’n. Laking pasasalamat ko nang tuluyan na niya akong binitawan.
Napatili ako nang muli nanaman kaming banggain ng kotse sa likuran sa ikalawang pagkakataon.
“Put@ng’na! Hindi pa ‘to fully paid!” galit at nanghihinayang na sigaw ni kuya bitter.
“DESURB—AHHH!”
Muli nanaman kaming binangga ng kotse sa likod sa ikatlong pagkakataon, “K—Kuya, para hindi masira ng tuluyan ‘tong kotse mo, ihinto mo na at pakawalan mo na ako, utang na loob!”
Dahil sa takot at pangamba, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tila lumipat ang puso ko sa ulo, rinig na rinig ko ang tibok nito. Tuluyan nang napahinto ang kotse nang muli itong banggain sa ikaapat na pagkakataon.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napansin ko nalang na bukas na ang pinto at wala na si Kuya bitter sa driver’s seat. Naiwan akong nakaupo roon, takot na takot, nanginginig at naghahabol ng hininga. Hindi ko magawang lumabas ng sasakyan at tumakbo palayo dahil sa nanlalambot kong tuhod.
Hindi ko alam kung naghahallucinate ba ako, pero nakita ko si Shaun na may sinusuntok sa labas. Sobrang magulo ang paligid. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Lumapit si Shaun sa kinauupuan ko’t bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kinausap niya ako pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Nininerbyos ako’t nanginginig. Tila nawala ako sa sarili, nagkandahalo-halo ang mga boses sa paligid.
Naramdaman ko ang maiinit na kamay na dumapo sa mga pisngi ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. Nahihirapan akong huminga. Mariin niyang pinipisil ang mga palad kong nanlalamig.
“Concentrate on your breathing. Inhale...exhale.” mahinahong utos niya. Pilit ko itong sinunod, pumikit ako ng taimtim at huminga ng malalim.
He started to rub his thumbs on my palms.
“I’m here now. You’re safe now.” he assured.
Tumango ako. He sighed in relief nang mapansing kumakalma na ako. Ngayon ko lang napansin na basang basa ng pawis ang buhok niya. Tipid siyang ngumiti. Inilabas niya ako sa kotse ni kuya bitter at pinalipat sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...