HINDI ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon pero sigurado ako na sobrang gulo na ng buhok ko. Kakapumiglas ko kanina, ito napala ko. Sinuklay ko ang buhok ko sa may parteng nabuhol gamit ang daliri ko. Palihim kong sinulyapan ang katabi ko na tila x-ray ang mga mata na iginagala sa paligid.
Maganda ang mga mata niya na may pagkaarogante at suplado. Maiintimidate ka sa genius straightface look niya. Pero kahit gano'n, sobrang lakas ng karisma niya na kahit ang lady guard do'n sa entrance, panay sulyap parin sakanya. Pati mga dumadaan sa harap namin, napapalingon sakanya. He's a head turner. Bali leeg.
Bakas sa mga mata ng kababaihan na dumadaan ang inggit—siyempre, akala siguro nila na may something kami ng isang 'to. Yeah. Yeah. Lucky unlucky me. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang takasan ang h1nayupak na'to. Panis na ata ang laway ko dahil mag-iisang oras na akong hindi nagsasalita. Hindi niya ako kinausap. Ganito lang kami mula kanina. Parang namamalimus—he he.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It's eleven AM na. Muli kong sinulyapan ang katabi ko na umaapaw talaga ang kagwapohan. Truth to be told, may lumapit sa'min kanina at tinanong kung gusto niya ba maging model, but he refused. Gwapo...gwapong h1nayupak.
Itunuon ko na ulit ang atensyon ko sa buhok kong magulo. Sa hindi malamang dahilan, tila may pwersang humila sa akin mula sa direksyon ni Shaun. Natigilan ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Hindi mabasa ang blanko niyang mukha. Umangat ang sulok ng kanyang labi, more like a mocking smirk matapos niyang tingnan ang magulo kong buhok.
"Bakit mo'ko pinagtatawanan?" taas-kilay na tanong ko. Hindi niya ako pinansin. I rolled my eyes at him. Just great. First of class, nagcut ako dahil sa h1nayupak na 'to. Very nice—insert sarcasm here.
Hindi parin ako sigurodo kung bakit nasa airport kami. Pero kung ano man ang pakay niya rito at kung ano man ang ipapagawa niya, susundin ko nalang para matapos na agad. Para wala na rin siyang rason para bwistin ako sa mga sususunod na araw. I need to protect the best school year of my life.
Ini-ekis ko ang mga binti ko nang maramdamang puno na ang pantog ko. Kailangan ko ng tugunan ang tawag ng kalikasan. While twisting my legs, kinalabit ko siya sa braso, pero ang ogag, hindi namansin. Idiniin ko pa ang pagkalabit pero wala parin.
"HOY!" kuha sa atensyon niya. Hindi parin siya lumingon. Napabuntong hininga nalang ako sa inis. "Bahala ka nga. I don't need your permission naman. Pee break muna ako—"
"You're not allowed to go anywhere."
Hindi makapaniwalang nilingon ko ang h1nayupak na hawak hawak ang collar ng uniform ko. I uttered a goat like cry, nagsusumamo ang mga mata na nilingon siya, "Naiihi ako!"
"Tiisin mo." walang ganang sabi niya. Mariin akong pumikit habang nakayukom ang isang palad. Sipang-sipa ang mga binti ko sakanya. Napaka walang puso talaga. Ayaw ko na sana sumagot kasi baka ano pang masabi ko sakanya na ikakagalit niya pero hindi ko na talaga kaya.
"Excuse me, okay lang sana kung ikaw 'yong magkakasakit sa bato." nagpumiglas ako para matanggal ang kamay niya na nasa likurang parte ng collar ko. Binitawan niya naman 'yon na labis kong ikinatuwa, "Whether you like it or not, iihi ako. Sino ka ba para pigilan ako? Alam ko na may kasalanan ako sa'yo pero hindi rason 'yon para pagkaitan mo akong tugunan#&#+©!"
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa ginawa niya. He covered my mouth pero dahil malaki kamay niya, nasakop niya ang ilong at bibig ko. Mahigpit pa talaga! Pinanalikihan ko siya ng mata.
"Shut up!" mariin pero pabulong na sabi niya, halatang nagtitimpi. Kung wala pa sigurong mga tao kanina niya pa ako niyupi. Napansin ko ang mga mata niya na tila humihingi ng paumanhin sa nakatingin sa amin. Do'n ko lang napagtanto kung bakit niya tinakpan ang bibig ko. Marami na pala kaming audience.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...