44

1.8K 105 14
                                    

Chapter 44

ALAS otso ang usapan pero alas singko palang, nasa café na ako. Hindi rin halatang excited maka face to face ang kabit—charot!

Kakamadali ko, iniwan ko nalang ng walang pasabi sina Nisha at Lex na nakikipaglaro sa mga h1nayupak. Napagtripan nila ang lie detector toy. Libang na libang sila na hindi man lang nila napansin ang pag alis ko.

Nakapangalumbabang pinagmasdan ko nalang ang mga labas masok na customer sa café. Feeling ko isang dekada na akong nakaupo dito. Jusmio. Inuugat na ako. Tagal mag alas otso!

Hindi rin nagtagal, dumating na si peppa—esta si Kyla. Kahit nasa malayo’y alam na alam kong siya ‘yan. Naka Harris Academy Uniform with matching pink shoes at pink bag. Napangiwi nalang ako’t napailing.

Napaka obsess niya sa pink. Sakit niya sa mata—este no’ng PINK sa mata! Nakakainis. Bakit bagay na bagay sakanya?

Wala akong makitang flaws.
Napakaperfect. Hindi ko makutya!

Agad niya akong nakita pagkapasok na pagkapasok niya sa café. Her face brightened na tila nakita ang isang matalik na kaibigang matagal niyang hindi nakita. At dahil maattitude ako, tinarayan ko siya—charot lang!

Her smile tamed my demons. Gusto ko siya awayin pero pati demonyo ko pinipigilan ako. May natural grace sa kilos niya; so confident and alluring. Born with elegance talaga. Deym.

Sana all.

Olats na ata ako sa isang ‘to. Huhu!
Okay lang ‘yan self. Itaas na ang puting watawat. Bawi nalang tayo sa next life.

“Kanina ka pa ba?”

Marahan akong tumango, nakaawang pa bahagya ang labi ko; manghang mangha sa work of art  Kung tao ‘tong kaharap ko, ano ako?

Alikabok lang ata talaga ako sa mundong ‘to.

“Kani—rarating lang din!” pagsisinungaling ko. Ngumiti ako ng tipid, hindi ko na alam ang sunod na sasabihin.

Inilapag niya ang mamahalin niyang pink bag sa katabing bakanteng upuan, “I just don’t get them. They hired janitor to clean the premises, bakit kaya kami pa kailangang mag linis ng room namin?” out of the blue na reklamo niya.

Tipid na ngiti nalang ang itinugon ko. Ano ‘yong premises?!

Sa pananalita niya, halatang matalino. Nakakapanliit. Walang-wala ako sa kanya. Dumi lang talaga ako sa kuko niya.

Itataas niya sana ang kamay niya para magtawag ng waiter pero pinigilan ko siya, “Ako nalang.”

“Are you sure? Hindi mo pa naman shift. You should sit there and let them do the job. Okay?” nakangiting sabi niya. Ewan ko ba kung anong nasa kanya’t napatango nalang ako.

Tinawag na nga niya ang isa sa mga waiter. Si Dexter pa ang lumapit. Ngingiti ngiti ang kolokoy, nag papacute kay Kyla.

Sige lang. Landiin mo ‘yan, Dexter!

Matapos mag order, may kinuha siya sa bag niya, “As a token of gratitude, please accept this. Wag na wag mo ‘yang tanggihan.”

Iniabot niya sakin ang isang box ng may matamis na ngiti, “N—Nag-abala ka pa. Sapat na ang thank you.” sagot ko pero sabay tanggap naman. Hehehe!

Itinuro niya bigla ang uniform ko, “Woah. Ngayon ko lang napansin na naka Armani High Uniform ka!” tila kumikislap ang mga mata niya sa nakita.

Hindi ko alam kung bakit ganyan nalang siya ka amazed na uniform ko. Sa pagkakaalam ko, mas mamahalin pa school nila kaysa sa Armani. Panay ngiti lang ako bilang tugon sabay ‘YEAH’ at tango.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon