Chapter 26
MULA no’ng araw na nagsimula ang Armani’s Foundation Day, hindi nauubusan ng customer ang horror booth. Mas rumami pa nga ngayong ika-apat na araw. Kulang nalang kasi, ipa-billboard ni President ang mga mukha ng mga h1nayupak. May malalaking tarp na nga sila sa labas ng campus, at sandamakmak na flyers na ipinamigay sa ibang schools, ipinost pa sila sa social media.
Marketing strategy. Napakamautak. Tiba-tiba tuloy ang booth namin. May nakahain kasing mga ulam sa lapag.
Totoo ‘yon. Lalo na ‘yong main dish na nagngangalang Shaun. Asan na ba ‘yon? Papakagat pa ako ro’n. Hehe!
Bilib ako sa multitasking ng mga h1nayupak dahil bukod sa kasali pa sila sa basketball, nagagawa pa nilang magparticipate sa booth namin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano sila napapayag na gawing pa-in sa booth gayong athlete naman sila. Dagdag mo pang parang likas na may pagkamaarte ang mga ‘yon. Wala sa itsura na papayag na lagyan ng kolorete sa mukha!
Nakakapagtaka talaga. Magkano kaya binayad ni President sa kanila?
Maiba tayo. Pagod na ako kakapagaspas ng pak-pak ko, at kaka-IK IK IK IK. Mas gusto ko sana ‘yong tunog na WAK WAK WAK kasi hindi masyadong stress sa lungs, pero ang nangyari, nagtawanan ang dumaan dahil parang may itik daw na naligaw!
Kaya ‘yon, naging wakwak talaga ako ng tuluyan, at kinain ang mga nagsabing tunog itik ako. Buset. Todo effort pa naman akong takutin sila.
Buset rin ang nagturo ng tunog na’yon sa’kin. Walang iba kundi ‘yong bangkay sa kabaong na si Louie. Magiging tunay na bangkay talaga siya sa’kin mamaya.
My thoughts were interrupted when I heard some scream from the next door. Mukhang hindi pa ako makakapagpahinga dahil marami pa silang nagsipasok, at panigurado, ilang sandali nalang ay dadaanan na sila sa pwesto ko.
Wakwakan na!
At hindi nga ako nagkamali. Dalawang babae ang papalapit sa pwesto ko na naka St. Martin’s Academy uniform pa. Sa pagkakaalam ko, 30 kilometers ang layo ng school na’yon sa Armani. Hanep. Wag mo sabihing dumayo talaga sila para lang makita ang mga h1nayupak?
Tch. Hindi malabong ‘yon ang rason—
“Bes! Ang gwapo no’ng bampira!”
“Truth! Sulit bes!”Tila nanlaki ang mga tenga ko nang marinig ang salitang bampira. Isa lang ang bampira sa horror booth na’to, at alam na alam ko kung sino ang gwapong ‘yon.
“Balikan natin?”
“Papicture na tayo!”
“Hingin natin ang number!”Swoosh!
Nanggigil na pinagaspas ko ang pak-pak ko. Bago paman nila nagawa ang binabalak, mabilis ko silang hinarangan. Not so fast, girls!
“KYAAAAAAAH!”
“M—MOMMMYYY!”With feelings na nilakasan ko pa ang pagpapagaspas na naglabas ng nanggagalaiting hangin. ‘Yan...namnamin n’yo ‘yan!
“WARW!” ipinakita ko ang mga matatalas kong pekeng ngipin kaya mas lalo silang nahintakutan.
Gulong-gulo ang mga buhok nilang nagsitakbo palayo. Kahit malayo na sila’y rinig ko parin ang kanilang pinaghalong mga iyak, at sigaw.
Bumalik ako sa pwesto ko habang nakangising parang timang dahil sa ginawa kong kabaliwan. Lalantong pa kasi. ‘Yong bampira pa pinagdiskitahan. Ano akala nila dito, museum?!
Natikman tuloy nila ang bangis ko. Warrw.
Matapos ang mahabang araw sa loob ng horror booth, sa wakas natapos rin kami. Lahat ay nagsitungo sa mga tent para magbihis. Pagkarating ko roon, agad kong inasikaso ang pagtatanggal sa prosthetic make-up dahil nakaramdam na rin ako ng kunting pangangati.
Habang abala sa ginagawa, may naglapag ng snack sa harap ko, “Burger for today.” sabi ni Glen na tumutungga ng soda sa tabi ko. Lumapit naman si Rob na litaw parin ang kagwapohan niya kahit mukha siyang bangkay na naagnas. Zombie kasi siya. Tinanggap ko ang soda na inabot niya sa’kin.
Habang nagkukwentohan sina Rob, at Glen sa harapan ko, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga h1nayupak. Litaw parin ang ka gwapohan ng mga ‘to kahit ginawa na silang mga halimaw.
Hindi ko namalayang bahagya na palang umawang ang bibig ko sa pagkamangha. Nang walang ano-ano’y may nagsalpak ng tinapay dito!
Walanjo!
Gusto kong murahin ang may gawa no’n pero dahil malaki-laki ang naisalpak sa bibig ko, hindi ako napagsalita. Masamang tingin ang ibinigay ko sa nilalang na naghuhubad ng kapa niya sa tabi ko.
“€¥¢&@!”
“Don’t talk when your mouth is full, fruitcake.”
Sino pa ba ang tumatawag sa akin no’n? Ang hari ng mga h1nayups na si Shaun lang naman. Epal.
Buti nalang, masarap ang isinalpak niyang tinapay. Ninamnam ko nalang, at tinungga ang sodang pantulak. Nagsipasok ang mga ka-klase namin na nakatokang magbantay sa exit ng horror booth.
Nasamid ako’t muling napainom ng soda nang marinig ang pinag-uusapan nila.
“Kanina, may dalawang babae na lumabas ng horror booth na umiiyak. May nilalang daw na galit na galit, na gustong manakit ang umatake sa kanila,” tumingin si President sa direksyon ko kaya agad ako nag-iwas ng tingin.
“May pakpak daw.” dagdag no’ng nagkukuwento.
Tumikhim ako, at patay malisyang ipinagpatuloy ang pagtanggal ng make-up nang lahat sila’y tumingin sa direksyon ko. Shutanes.
“Sino kaya ‘yon?” nagmamaang-maangan na tanong ko. Hahah.
“Sino pa ba ang may pak-pak sa loob, baliw?” taas kilay na natatawang tanong ni Nisha.
“S—Siyempre, ‘yong...‘yong LAMOK!”
Lahat sila natahimik ng ilang segundo, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Binasag rin agad ng kaklase naming si Alyssa ang katahimikan, “Siya nga ‘yon.” she concluded.
Lahat sila’y napailing, at nagsibalik sa mga pinaggagawa. Sino ba kasi ang niloloko ko? Kahit siguro lamok hahampasin ako ng tubo sa sinabi ko. Idinamay ko pa sila. Hindi naman talaga kapani-paniwala na lamok ang may gawa no’n.
Dahil hindi naman talaga sila ang may gawa no’n. Hehe! Mas mainam na siguro na ‘yon ang inirason ko, kesa naman malaman nila ang rason kung bakit ako nag-wild do’n.
Wag kasi manghingi ng number! Magagalit si GF—CHAROT! Practice lang.
Lumapit si Lex sa akin, at kumuha ng cotton na may toner para tulungan akong tanggalin ang make-up sa katawan ko.
“Pinaggagawa mo sa loob kanina? Ba’t mo tinakot ng very much ‘yong dalawa?” tukoy ni Lex sa ikinuwento ng kaklase namin.
“H—Hindi nga ako ‘yon.” tanggi ko.
“De-deny pa ang baliw. Harap ka dito, tulungan na kitang magtanggal ng make-up sa mukha mo.” humarap naman ako kay Nisha.
Pero imbes na toner, kumuha siya ng brush at make-up, “Hoy. Aanhin mo ‘yan?”
“Gawin kitang lamok--Aray!”
Kinurot ko nga.
------
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...