NATALO ako sa tag of war namin at matagumpay niya akong nahatakan papunta sa kinatatayuan ng ex-girlfriend niya. Malapitan na tuloy naming nasaksihan ang paghaharutan nila. Hindi man lang nila kami napansin. Hindi ako bitter, pero to be honest, ako ang nahihiya sa harutang ginagawa nila. Cringey!
Kung masaya silang dalawa, itong katabi ko, mukhang manununtok na. Palihim akong napabuntong hininga nang makaramdam ng kunting awa sakanya. Akala ko, pangit lang ang iniiwan. Kung tutuosin, mas lamang sa kagwapohan si Shaun kaysa bago ni girl. Siguro, pasado sa langit ang ugali ng bago, kaysa dito sa katabi ko.
"Move on ka nalang...move on to me." mahinang bulong ko. Ako lang din ang tumawa sa pinagsasabi ko. Napahinto ako sa pagtawa nang makitang may inilabas ang lalaki na maliit na box na may logo ng mamahalin na jewelry brand. Palihim akong namangha nang makita ang laman nito. Isang mamahaling gold necklace!
Nasurpresa naman ang EX, napatakip ng bibig sa tuwa at kilig na kilig, "Oh, my gosh!" she exclaimed, "Is this the heart of Aurora?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yes. Para sa pinakamagandang babae na nakilala ko."
"Dear naman! You're spoiling me!" mahina niyang hinampas ang nobyo sa balikat. Sana all nalang. Palihim kong tiningala si Shaun na kagaya ko'y nasaksihan ang kilig moments ng mag-jowa sa harap namin.
Kung ako sakanya, nag mala k-dramang walk out na ako. Ouch, peyn!
"Ipaparanas ko sa'yo ang mga bagay na hindi naibigay ni Shaun sa'yo." sabi ng lalaki. Napasinghap ako sabay lingon kay Shaun, "Dear, wag mo na imention ang lalaking 'yon. Ikaw ang mahal ko and I never loved him. Alam mo naman na ikaw lang ang nasa puso ko since grade 10." napasinghap ulit ako sa narinig at tumingala kay Shaun.
"Sinagot ko lang s'ya para pagselosin ka. Tagal mo kasi nanligaw!" reklamo ng babae. Naawa ako sa katabi ko na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Ano kaya iniisip niya?
"Hindi ko kaagad narealize ang feelings ko. Kung di ko pa narinig 'yong balitang kumakalat na kayo na ni Shaun,hindi ako matatauhan."
Ayaw ko magpakabitter, pero jusko, nakakaumay sila! Maarteng tumawa ang babae, nag pa cute pa ang l1ntik! Hindi ko maiwasan na hindi mainis sa mga narinig. Pa'no nila nagagawang magpakasaya knowing na may nasaktan sila?
"Mabuti nalang at nakahanap ka ng rason para mahiwalayan siya."
"Of course! I can find ways to anything, dear." proud pa na sabi ng babae, "Your plan totally worked. Now, we can do whatever we want without hiding." huminga ng malalim ang nobyo niya at nagngitian sila ng babae. Spell Cringey!
"Shaun is so gullible. I felt a bit sorry for him pero gano'n talaga. I need to do it for my happiness. My heart screams for you and not him." malumanay na sabi ng babae. Gusto kong masuka sa mga matatamis na linya.
"I love you so much, dear."
"I love you more." niyakap ng babae ang braso ng nobyo niya, "Honestly, I want to thank that girl who made the call that day. Dahil sakanya, mas napadali ang plano ko." sabi niya. Napabuga ako ng hangin. Papasalamatan niya ako?!
Ngayon, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat. Plano na ng babae na makipagbreak kay Shaun. Tapos ginamit niya akong rason, kunwari para maakusahan si Shaun na nangangaliwa. Sakto rin na inangkin ko si Shaun no'ng araw na namprank ako. At ang mensahe ay...siya ang gumawa!
Sigurado ako na siya ang may pakana no'n! Napakagat ako ng labi dahil sa panggigigil. Napagbantaan ang buhay ko dahil sa kagagawan niya! Hindi lang masama ugali niya, isa siyang manggagamit slash manloloko! Akala ko sa k-drama at telenobela lang ang ganito, pati rin pala sa real life. Napaka niya! Minus puntos sa langit, burado na sa listahan ni San Pedro!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang naprank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakbo ka...