La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Ilang araw na akong iniiwasan ni Phanny. Hindi niya rin ako kinakausap kahit lumapit ako o kaya magkakasama kaming tatlo para lang akong hangin sa tabi niya.
Ikaapat na araw na ngayon. Gusto ko na talaga siyang kausapin. Ayoko nang ganito, na nagtatampo siya sa akin.
Hindi ako sanay.
"P-Phan..." kahit magkatabi kami hindi kami nagkakausap. Kasalanan ko naman kasi. Hindi ko sila sinabihan na sa Maynila ako papasok ng kolehiyo.
"Phan... Sorry talaga."
Nakaharap ako sa kaniya pero hindi niya ako nililingon. Busy siya sa pagsusulat. Sinilip ko ang ginagawa niya. Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa nakita. Hindi naman pala siya nagsusulat kung anu-anong drawing lang ang nasa notebook niya.
"Phan... Huy..." tinapik ko ang balikat niya. Kaya napadako na ang tingin niya sa akin. Seryoso ang kaniyang ekspresyon.
Bilang lang sa daliri ang ganito niyang awra. Iba sa jolly at madaldal na Phanny na kilala ko. Kapag nagalit o nagtampo siya talagang mag-iiba ang ihip ng hangin.
"Sorry ulit, dapat pala talaga nagsabi ako sa inyo. Sorry ulit. Promise, hindi na ako maglilihim sa inyo ni Dam. Promise." Nakatitig lang siya sa akin.
"Phannea naman..." Ngumuso ako nang hindi siya sumagot. Bumuntonghininga ako saka umayos ulit ng pwesto.
"Promise mo 'yan ha," aniya saka nanlaki ang mata ko. Nasa harap ko na ang kamay ni Phanny. Nakipagpinky swear naman agad ako sa kaniya. "Siguraduhin mo lang ha!" pagbabanta niya.
"Promise, boss." Ngumiti ako at gano'n din siya.
Niyakap naman niya ako agad. "Bruha ka, hindi kita matiis. Na-miss tuloy kita kahit magkatabi lang tayo rito." Natawa naman ako. "Ikaw kasi eh, sorry din."
"Bati na tayo ha, ayoko ng hindi mo ako kinakausap eh hindi ako sanay kapag hindi ka dumadaldal," sabi ko. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin.
"Tch." Nguso niya.
"Charot?" dugtong ko. Natutunan ko lang ito kay Yada at pati na rin sa kaniya. Nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa. "Bakit?"
"Bakit patanong yung 'charot' mo?"
Halos hindi na siya makahinga sa pagpigil ng tawa.
"Hindi ko kasi sure eh, palagi kasi 'yon sinasabi ni Yada kapag nagbibiro siya," sabi ko sabay napakamot ako ng ulo.
"Tama ka naman girl, pero ang awkward nang pagkakasabi mo," sambit niya.
Umayos naman siya nang pagkakaupo.
"Ganito dapat... charot!" medyo nakakatawa pa ang mukha niya nang gawin niya iyon. At medyo matinis pa ang boses niya.