NARA
Months later...
Graduation Day
"Nara!!" tumakbo palapit sa akin si Phanny, saka mahigpit niya akong niyakap. "Congrats!"
"Congrats din!" masayang bati ko sa kaniya. Kumalas siya ng yakap sa akin saka inalog 'yung suot kong mga medalya.
Nakahakot kasi ako ng dalampu't isang medalya matapos ang aming graduation.
"Hindi ka ba nabibigatan d'yan? Halos hinakot mo na lahat ng best!" natatawa niyang sabi. "Punta kayo ni Dam sa mansyon mamaya ha."
Nabungaran ko sa kaniyang likod ang buo niyang pamilya. Ang daddy niya, mommy, at apat na kuya. Kasama sila Yada at Manang Belen.
Binati na ako ni Dam kanina. Kasama naman ang pamilya niya. Si Tita Jina at mga kapatid niya.
"Congrats Nara!" pagbating muli ni Yada. Siya ang kasama ko sa pag akyat sa stage. Ako kasi ang nangunguna sa aming klase, pati sa buong batch namin. Kaya hindi siya pumayag na walang magsasabit ng mga medalya sa akin.
"Salamat Yada!"
"Congrats Naranna, napakahusay mo talagang bata." Pagbati naman ni Tita Pia.
"Congrats hija," saad naman ng daddy ni Phanny.
"Maraming salamat po Tita at Tito."
"Congrats Nara! Ang talino mo pala!" si Zian naman ang bumati. Tumingin naman siya sa kaniyang kapatid at ngumisi. "Kawawa ka naman Phannea kahit isa walang medal!"
"Hoy! Excuse me! Best in... I'm the bestfriend of Nara, okay na 'yon!" asik naman ni Phan.
Pinigilan ko ang pagtawa. Kahit sa graduation namin nag-aasaran pa rin ang dalawa.
"Nagsalita ang matalino." Hirit ng isang kuya ni Phan. Si Zev. "By the way, congrats Nara."
"Hoy Zev-."
"Pherzian." Tumigil ito ng sawayin ng kanilang daddy.
"Congrats." Si kuya Primo at Jandro naman ang bumati.
"Salamat po sa inyo," ani ko saka ngumiti ako.
Kahit wala na akong pamilya. Nararamdaman ko naman iyon kila Phan at sa buo niyang pamilya. Ang swerte ni Phan dahil may ganoon siyang pamilya.
"Nasabihan na ba kayo ni Phannea na pumunta ng mansyon mamaya?" tanong ni Tita Pia.
"Opo."
"Yes, mom!"
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Ficción GeneralLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...