Kabanata 38

304 23 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Kaya ko Ms. Ky," sagot naman ni Jia habang sandaling napagawi sa akin.

Nagkakasama kami ni Jia rito lang sa R&S pero hindi pa rin nagbago ang malamig na pakikitungo niya sa akin.

Kahit simpleng 'Hi' o 'Hello' wala. Okay lang... Hihintayin ko 'yung panahon na mapatawad na niya ako. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal iyon.

"Ikaw Nara?"

"A-ahm, okay lang po sa akin." Tumango naman sa akin si Ms. Ky.

Pinatawag kami sa R&S dahil may biglaang misyon na kailangan naming gawin. Nakatunog ang aming organisasyon sa gagawing negosasyon ni Mr. Samondez mamayang gabi. Magkakaroon ng bentahan ng droga sa pagitan nila at ng isa pang malaking sindikato.

Iniabot na sa akin ni Ms. Ky ang isang tube top na pinarisan ng pants. May kahon din ito na kasama, na naglalaman ng isang heels. Napalunok naman ako sa aking nakita. Kinakabahan tuloy ako dahil ngayon pa lang ako magsusuot ng ganito. Hindi talaga ako sanay nang nagpapakita ng balat.

Ako ang magsisilbing espiya mamaya sa bar na magiging lugar para sa transaksyon. Sana magawa ko ang kailangan kong gawin.

Kailangan kong makabalik agad sa ospital dahil walang kasama si Yssa sa pagbabantay kay Tatay. Nang tumawag siya sa akin noong isang araw ay pinunta si tatay sa ICU ng ospital dahil lumala ang lagay nito. May sakit pala si tatay sa puso at marami na rin siyang komplikasyon sa katawan dulot ng katandaan.

Matapos ko lang itong misyon tay, babalik ako kaagad.

***

Sabi ni nanay kapag may pangarap ka, h'wag kang susuko hangga't hindi mo natutupad 'yon. Gawin mo ang lahat nang makakaya mo para maging matatag at hindi ka sumuko sa laban ng iyong buhay. Dahil makakamtan mo rin ito pagdating ng panahon.

Kaya ngayon... ako'y patuloy na lumalaban.

Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng tugtugan sa loob ng bar. Hindi rin ako sanay sa iba't ibang kulay ng ilaw na tumatama sa mata ko.

Ang gulo.

Ang ingay.

Nakakahilo.

Maging ang amoy ng kapaligiran ay iba-iba. Pinaghalong amoy ng alak, pawis at amoy sigarilyo. Ilang oras na akong nakaupo rito sa bar counter at nilalamig na ako.

"Miss? Juice lang ulit?" natatawa pa ang lalaking nakaabang sa bar counter. Kanina pa kasi juice ang iniinom ko, salitan sa tubig.

Eh, anong gagawin ko? Hindi naman kasi ako umiinom ng alak. At iba ang layunin ko kaya ako nandito sa bar.

Tumango ako. "U-uhm."

"Paano ka malalasing niyan? Saka may hinihintay ka ba? Kanina ka pa rito ah." Ngumisi lang ang lalaki sa akin habang may hawak na babasaging baso. "Mukhang hindi ka na sinipot ng kikitain mo."

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon