NARA
"Argh!" iritang sambit ni Kira sa tabi ko. Kanina niya pa hawak ang cellphone niya para kontakin sila Yssa. Samantalang ako ay karga si Nate.
Nakauwi na kami ng Pilipinas. Nakalabas na rin kami ng aiport at lahat pero wala man lang sumalubong sa amin.
"Mommy? Where's Tita Pretty?" Nate asked me.
"Ahm... She's on her way na, we will wait for her huh," sagot ko kay Nate kahit wala namang kasiguraduhan.
"Uhm! I'm excited to see her and I really miss her!" I kissed him on his forehead.
"Mga walang hiya ah! Parang kinalimutan na tayo ng mga 'yon!" reklamo ni Kira.
"Padating na rin 'yon baka na-traffic lang," ani ko.
"Traffic? Yssa's not answering her phone. I tried to contact Jia but her phone is also busy!"
"Fine, let's take a grab," I said.
Handa na kaming umalis bitbit ang mga bagahe namin. Bakit wala pa 'yung sundo namin? Ang dami pa naman naming bitbit. Kasama pa namin si Nate. Nahihirapan na si Kira at Yaya Linda sa paghila ng mga bagahe namin.
*Peep*
Nahinto kami ni Kira nang tumigil ang pamilyar na sasakyan sa harap namin. Ang malaking van sa mansion.
"Señorita Esperanza, Señorita Esmeralda!" biglang lumabas si Kuya Jeff. Ang driver ni Yssa kasama ang dalawang bodyguard namin sa mansion.
Napabuga naman ako ng hangin. "Where's my sister?"
"Sorry po, Señorita Esperanza dahil na-late kami. Si Señorita Esthrella naman po ay nagkaroon ng biglaang meeting kaya hindi siya nakasama sa pagsundo," aniya pa.
"Oh, sige na, sige na, just help us here." Iniabot naman ni Kira sa mga bagahe naming dala.
Pumasok na kami sa Van. Nang makaayos na kaming lahat ng pwesto ay saka na kami umalis.
"Baby? We'll be in home after an hour. Do you want to sleep?" I asked Nate.
"Yes Mommy, I'm sleepy." Sa sobrang excited niya kagabi pa kaya alam kong napuyat siya at hindi nakatulog nang maayos.
Pinahiga ko naman siya sa pagitan namin ni Kira. Ang ulo niya ay nakapatong sa lap ko. Inabot ko naman ang cellphone ko sa bag. Nakita ko na tumatawag si Zian.
"Hello, bitch? Where are you? I'm going to pick you up, katatapos lang ng meeting ko."
"No need, nasundo na kami ni Kuya Jeff, wala si Yssa eh."
Last week pa nakauwi si Zian dito. Nauna siya sa amin dahil sa mga business meetings niya.
"Sure, I'll be on my way to mansion too. See you there, ingat!"
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...