NARA
Mag-isa akong nagtungo sa Rocks, para ihatid ang resignation letter ko. Aalis ako kasi hindi dahil sa nangyari sa akin... Gusto ko lang.
Dahil gusto ko na munang magpahinga sa lahat. Marami na akong pinagdaan, hindi ko na kaya.
Sa bawat pangyayari kasi sa buhay ko ay nalulunod na ako. Hindi na ako makahinga dahil sabay-sabay ito.
Nang matapos kong makausap si Ms. Ky ay nagtungo muna ako sa Stones para makapagpaalam sa ibang ladies. Tinanggap naman ng buo ni Ms. Ky ang pag-alis ko. Kaya walang naging problema.
"Lilo! Giselle! Ate Oli! Guys!" pagtawag ko sa kanila nang magtipon sila sa sala.
"Nara!" sinalubong naman ako nang yakap ni Giselle hanggang sa nag sunod-sunod na ang lahat.
"Aalis ka na ba talaga?" si Lilo.
"Uhm." Ngumiti naman ako. Ayoko kasing malungkot sila sa pag-alis ko.
"Wala na kaming bunso!" si ate Oli naman ang nagsalita.
"Dadalaw pa rin po ako rito!" masayang sabi ko. Lumibot naman ang paningin ko.
Bakit hindi ko siya nakita?
"Ah, si Jianett ba?" tanong ni Giselle. Ngumiti lang naman ako. Mukhang alam niya kung sino ang hinahanap ko.
"Nandoon siya sa kwarto niya, hindi nga 'yon naglalalabas doon eh."
Matagal ko ng hindi nakikita si Jia pati Kira. Simula nang makalabas ako sa ospital. Nami-miss ko na talaga 'yung dalawa.
Mukhang wala pa ring balak si Jia na kausapin ako.
"Maraming salamat po sa inyong lahat, mami-miss ko po kayong lahat! Promise ko po na dadalaw pa rin ako rito! Pinayagan naman ako ni Ms. Ky!" ani ko.
"Thank you rin, Nara! Napakabuti mong bata! Stay healthy!"
Napangiti naman ako sa sinabi ni ate Oli.
"At saka po pala, hindi ko na po iistorbohin si Jia. Pasabi na lang po na umalis na ako. Alagaan niyo po siya para sa akin," sambit ko.
***
Gabi na nang makauwi ako ng mansyon. Naabutan ko naman si Yssa na kausap si Ms Min. Iyong assistant ni tatay sa kompanya. Siya rin ang palaging inuutusan ni Lady Oprah. Dahil nga hindi na makakilos si tatay dahil sa sakit niya.
"Yeah, thank you Ms. Min!"
"Welcome, Señorita." Nagkasalubong pa kami ni Ms. Min saka ako binati.
"Nara! Nakabalik ka na pala! Let's have our dinner na with Dad!" tumango ako saka sumabay sa kaniya papasok ng dining hall.
Naabutan ko naman na nakaupo na si Dad doon sa pinakagitna nang mahabang lamesa saka ako lumapit sa kaniya at nagmano.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Fiksi UmumLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...