Kabanata 10

473 28 0
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Why?" pigil na pigil ang tawa ni Phanny sa gilid ko. "What a goddess right?" saka siya tumingin sa akin.

Nagsimula namang magsi-ahon sa swimming pool ang apat na kuya ni Phan.

Nauna na si kuya Jandro. "Cold shower na lang ako sa taas, biglang uminit."

"Malamig naman 'yung tubig sa pool kuya ah." si Phanny.

"Shut up." Saka niya kami nilagpasan ni Phanny. Tumawa lang ang kaibigan ko.

"Ako rin may gagawin pa pala ako," ani Zev. "Baka magkasala pa ako kay Shana nito." Nilagpasan niya rin kami.

"Edi wow bakla," kumento naman ni Phan. "Oh, ikaw rin umalis ka na, choo!" tukoy naman ni Phan kay Zi. Tinataboy na niya ang kaniyang kuya.

"Shunga, kukuha lang ako buko juice sa loob, bigla akong nauhaw," asik nito kay Phanny.

"HAHAHAHAHAHAHAHA ANO KAYO NGAYON!" tawang-tawa na naman ang kaibigan ko.

Si kuya Primo lang ang naiwan sa tabing pool. Nakaupo sa isang beach chair at sumisimsim sa kaniyang juice. Nakasuot na rin siya ng sunglasses ngayon.

Napailing na lang ako sa pagtawa ni Phanny. Hindi ko alam kung nababaliw na siya. Lumapit na kami kila Yada at Dam sa kaninang pwesto namin.

"Hayst Yada! Napaghahalataan ang mga kuya ko." Bungad ni Phanny nang makarating kami sa pwesto nila.

"Diyos ko po! Sino ba namang hindi magugulat sa suot niyo," sagot ni Yada.

"Sus! Nakikita naman nila ako na nakabikini kapag napunta tayong resort." Kumuha naman si Phanny ng barbecue. "Pero hindi sila nagkakaganoon. Nakita lang nila si Nara eh."

"Grabe ka naman kasi Nara! Ang sexy mo oh! Gulat ang lola mo girl! Talbog mo pa ako, tingnan mo ako puro baby fats," pabirong tugon ni Yada sabay turo sa kaniyang maliit na bilbil.

"Gulat din ako Yada, omg! ganern! Ang swerte naman ng magiging boyfriend nito ni Nara."

"Huh?" kung anu-ano na talaga ang naiisipan ni Phanny.

"Wala, ang ganda mo," sagot niya.

Tumabi naman ako ng upo kay Dam. Napansin kong hindi siya makagalaw sa upuan niya. Namumula rin ang parte ng kaniyang tainga nang makita ko ito. Medyo napapasulyap din siya kay Phanny.

Tiningnan ko naman si Phanny habang nakikipagkuwentuhan kay Yada tapos binalik ko ulit ang tingin sa kaniya.

"Ayos ka lang Dam?" tanong ko. Tumango lang siya saka tumingin sa malayo.

"May gagawin tayong challenge mamaya! G na kayo ha!" lumingon naman sa amin si Phanny. "Yada! Tulungan mo kami mamaya."

"Sure!" sagot ni Yada habang ngumunguya. "Ano ba 'yon?"

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon