NARA
Mahimbing na natutulog si Jia matapos ang pangyayari kanina. Hindi lamang ako ang nakarinig nang kaniyang sigaw. Pati na rin ang mga kalapit na kwarto, mabuti na lamang ay agad na natawagan si Ms. Ky para mabuksan ang kaniyang kwarto.
Naabutan namin siyang nakahandusay sa sahig ng kaniyang banyo. Nagkalat ang dugo... Ang nakabenda niyang paa ay pulang-pula na dahil sa sarili niyang dugo.
Wala pang nakaaalam nang nangyari sa kaniya sa loob ng banyo dahil tulog pa rin siya magpahanggang ngayon.
Tatlong katok ang aking narinig bago magbukas ang pinto ng kwarto ni Jia.
"Nara, let's go." Aya ni Sayti. "The meeting will start at ten minutes."
"Paano si Jia?" payapang natutulog si Jia sa kaniyang kama nang pagmasdan ko siya.
"Don't worry, naka-monitor naman siya," aniya saka ngumiti sa akin.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at sumunod sa kaniya palabas. Ini-lock ni Sayti ang kwarto ni Jia, matapos noon ay naglakad na siya kaya sumunod na lang ako ng tahimik.
Nakasuot ang kaniyang kamay sa dalawang bulsa ng kaniyang lab coat. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng high heels dahil tumutunog ang tanong nito sa marmol na tinatapakan namin.
Lumingon siya nang mapansin na nahuhuli ako. Hindi pa kami masyadong close kaya medyo nahihiya pa ako sa kaniya.
Tumigil naman siya sa paglalakad saka ako hinintay.
"Nara, ano ka ba? Don't be shy at me," aniya at ngumisi sa akin. Kahit dim ang ilaw ay kumikinang pa rin siya dahil sa puti niya. Hindi nagkakalayo ang kulay nila ni Ms. Ky.
Sumabay na ako sa paglalakad. "You know what Nara, you're quite familiar with me. Parang nagkita na tayo dati." Nagulat naman ako sa sinabi ni Sayti. "Tiga probinsya ka 'diba?"
"Opo, tiga San Isidro rin ako gaya ni Jia," sagot ko.
"Ah, hindi ko maalala kung saan. Pero minsan bumibisita rin kasi ako roon. I have a bestfriend there... na piniling manirahan sa San Isidro."
"Ah, ganoon po ba."
Nakakahiya naman. Pero hindi ko rin naman kasi natatandaan 'yung mga taong nakakasalamuha ko. Baka nagkasalubong lang kami kung saan man sa San Isidro.
"Yup! Share ko lang!" Tumawa naman siya, medyo natawa na rin ako dahil ang cute niyang tumawa.
Nakalabas na kami ng pasilyo kung saan naroon ang mga kwarto namin. Tinahak naman namin ang mataas na hagdan ng Stones. Kinakabahan pa ako dahil nakasuot ng heels si Sayti.
Nakakapagod din dahil mas mataas pa ito sa hagdan nila Phanny sa mansyon tapos paikot pa.
"Sa Amethyst hall ang meeting ngayon," banggit ni Sayti. Nagtungo kami sa kaliwang bahagi ng Stones. Maliligaw talaga ako sa lugar na 'to. Tumigil kami sa tapat ng isang kulay lila na pinto.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...