Kabanata 32

296 19 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Kung sana tayo na lang ang may hawak ng ating buhay. Para nang sa ganoon ay pipiliin na lang natin kung kailan tayo mabubuhay at mamamatay. Sabi nga nila, ang Diyos ang nagbigay ng buhay natin kaya siya lang din ang may karapatang kumuha nito.

Kahit na gustuhin mo pang mabuhay pero kapag dumating araw na bawiin na ito sa'yo, wala ka nang magagawa.

Tatlong araw lang ibinurol at pinaglamayan si ate Juls sa R&S. Sa tatlong araw na iyon ay isang beses lang akong nakapunta. Dahil pinaalis ako agad ni Jia. Hindi ko lubos akalain na magagalit siya sa akin.

Iyon na yata ang pinakamasakit sa lahat...

Paulit-ulit niya akong sinigawan at sinisi sa mga nangyari.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko noong araw na iyon. Ang matalik kong kaibigan na si Jia ay labis ang galit sa akin. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng hinagpis at sakit simula nang mamatay si ate Juls.

Ngayon na ang araw na ihahatid namin si ate Juls sa kaniyang huling hantungan. Ilan lang ang mga tao, kami-kami lang mga ladies kasama si Ms. Ky. Ang pagkakaalam ko ay wala ng pamilya si ate Juls. Kaya walang dumalo na kahit sino niyang kamag-anak.

Nakalapit naman ako sa kaniyang libingan at nakapaghagis pa ng bulaklak.

Pero kay Jia...

Hindi ko siya magawang lapitan. Marahil ay galit pa rin siya sa akin.

Iniayos ko ang suot kong shades. Ilang araw na kasing namamaga ang mata ko kakaiyak dahil sa pagkamatay ni ate Juls pati sa hindi pagpansin sa akin ni Jia.

Ang kasama ko ngayon ay si Sayti. Sinamahan niya ako dahil alam niyang galit sa akin si Jia at hindi ako kinakausap.

"Sayti... p-puntahan ko muna si Jia," ani ko.

"Sure ka ba Nara?" gaya nang sa akin ay maga rin ang kaniyang mata. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Isa siya sa nakasaksi sa ginawa sa akin ni Jia.

Tumango lang ako pagkatapos ay humugot nang malalim na paghinga.

Naglakad na ako sa direksyon nila Jia. Kasama naman niya sila Ms. Ky, Raya at ang iba pa.

Pansin ko na kanina pa siya nakatulala sa puntod ni ate Juls. Hindi ko naman siya masisisi dahil mas matagal niyang nakilala si ate Juls at itinuring niya na rin itong parang tunay na pamilya... Na parang isang tunay na ina.

"Ji..." pagtawag ko sa kaniya.

Parang hindi niya ako narinig. Hindi man lang siya lumingon o ano.

"Ji... k-kausapin mo na ako." Nabasag ang aking boses.

Nakita ko naman ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi kahit naka-shades siya.

"J-ji... S-sorry—"

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon