Kabanata 34

291 16 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Good day everyone! I am Esperanza Naranna Garcia, 18, representing Deion National University! Your future Chief Executive Officer!" proud na proud kong sambit sa harap ng maraming tao.

Hindi ko pa kasi talaga ang alam pangarap ko sa buhay. Undecided pa talaga ako sa magiging trabaho ko. Kinantyawan pa nga ako nila Yssa at Lou na baka ang masabi ko pa eh, 'Your future undecided'.

Nang time na iyon ko na-realize kung bakit pala ako nag-aaral ngayon? Kung bakit ganitong kurso ang kinuha ko? Kung hindi ko naman pala ang alam ang patutunguhan ko pagkatapos ko mag-aral.

Dati simple lang naman iyong pangarap ko. 'Yong maging masaya lang ako at makasama ko lang si ina nang matagal.

Kaya ang sinabi na lang sa akin ni Yssa ay maging CEO na lang ako. Ewan ko kung bakit pumayag na lang ako sa suhestiyon niya. Ang ganda naman kasi pakinggan kapag CEO ka ano? Ang lakas ng dating sa mga tao kapag may-ari ka ng kumpanya.

Kaso, parang ang labo naman yata na maging CEO ako. Baka mamatay na ako bago ko pa marating ang tugatog na iyon ng buhay ko.

Kuntento na ako sa kahit simpleng trabaho. Ang mahalaga ay mapaghusay ko ito, maging motivated lagi at mahalin ko ang trabaho ko.

"WOOOHHH!!"

"I am Ruslan Lennox Cortezano, 19, representing Deion National University. Your future Engineer," sambit naman ni Rux.

Hindi ko alam pero bigla na lang nag-iba nag tono ng boses niya. Mas naging malalim ito kumpara sa normal niyang boses.

"WOOOHHH!!"

"DNU! DNU! DNU! GO, GO, GO, DNU!!!" malakas na nag-cheer ang mga students ng aming campus.

Nang matapos ang pagrampa namin ni Rux ay bumalik na kami sa back stage para makapaghanda sa susunod. Kasunod na kasi nito ang pagrampa namin ng aming engrandeng mga gown! Na-excite tuloy ako kasi first time ko magsuot nang ganoon. Kahit noong fitting tuwang-tuwa ako sa pagsusukat.

Kinakabahan lang kasi ako pagkatapos noon ay mag-aannounce na ng mga finalist tapos question and answer na rin.

Bumalik na ako sa cubicle namin. Naabutan ko naman na nandoon na rin si Yssa, Lou ate Luz.

"Yssa!"

"Oh, Nara! You're so pretty! You looks like a real CEO!"

"Okay ka lang ba?" bungad ko. Nag-alala kasi ako nang bigla siyang mawala kanina.

"Yup! Don't worry, I have an emergency call from home lang, kanina." Ngumiti lang siya sa akin. "Andddddd!!! Sorry pala sa ngayon lang ako nakaabot huhu!"

"A-ahh, okay lang. Mas mahalaga naman 'yong ginawa mo. At saka nandito naman si Lou at ate Luz para tulungan ako," ani ko naman.

"Korek! Full support kami d'yan kay Naranna!" ani Lou. "Hindi pwedeng matalo ang magandang dilag na ito ano!" dagdag niya pa.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon