La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa ni Kira habang nakasakay sa taxi. Papunta kami ngayon sa address kung saan ang bahay noong Merina.
Base naman sa dokumento na nakita ko sa brown envelope ay rito rin siya nakatira sa Maynila.
Laki ang pasasalamat ko sa malaking tulong ni Kira sa akin. May kaibigan kasi siya sa Palawan na ang trabaho ay maghanap ng mga nawawalang tao. Iyon ang sabi niya kaya roon siya nakahingi ng tulong.
Matapos ang kompetisyon. Inanunsyo ang nanalo.
Kami ang nanalo ni Rux. Pero hindi ko na na-enjoy 'yung huling kaganapan ng programa dahil sa pag-iisip ko. Kahit sa mga picture taking ay lutang ang isip ko.
Nagsorry pa sa akin si Kira kasi dapat daw pala ay hindi niya muna sinabi sa akin. Nagsabi naman ako na hindi niya kasalanan iyon.
Nang matapos ang araw kahapon ay nagpahinga muna kami. Dahil pagod ako sa laban tapos si Kira ay pinabawi ko muna ng tulog. Pinagpaliban muna namin ang araw kahapon dahil hindi pwedeng magmadali kami. Nakakahiya naman kay Kira dahil wala pa siyang pahinga.
"Nandito na po tayo Ma'am," ani ng taxi driver.
Dahil nga hindi namin alam ni Kira ang mga lugar-lugar dito sa Maynila ay minabuti na lang naming mag-taxi para diretso na kami sa pupuntahan namin.
Nang makababa sa taxi ay agad kaming naglibot ni Kira. Para makapag tanong-tanong. Sana sa pagkakataong ito ay hindi na kami magkamali.
Sa pakiramdam ko naman ay malapit na kami sa katotohanan ngayon. Sa mga pictures na nakita ko sa binigay ni Kira ay makikita si Merina Echavez na matanda na. Sa tantsa ko ay mas matanda pa ito kay ina ng ilang mga taon.
Si Kira naman ay nagpunta kabilang parte ng kalsada at nagtatanong na rin.
"Hello po." Bati ko sa isang buko juice vendor sa tabing kalsada. "Kilala niyo po ba ito?" sabay pakita ko nang litrato noong Merina.
"Ay, pasensya ka na. Hindi ko kilala 'yan. Ngayon lang kasi ako napagawi sa lugar na ito," sagot ng buko juice vendor.
"Ah, oh sige po, salamat po Manong."
"Nara!" tawag ni Kira. "Tara na!" nakita ko naman ang isang bata na kasama niya.
"Alam mo na?" tanong ko.
"Oo, sabi nitong bata ay lola niya raw 'yung nasa picture." Nakangiti lang sa akin ang bungal na bata tapos bitin pa ang kaniyang bangs.
"Opo, ate, Lola ko 'yan! Tara na po! Samahan ko kayo sa bahay namin!" hinila naman kami kaagad ng bata.
Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin at nakarating kami agad.
"Lola! Lola! May naghahanap po sa'yo!" sigaw ng bata. Naiwan naman kami ni Kira sa tapat ng kahoy nilang pinto.