La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Nakatulala lang ako sa mga barbecue na iniihaw ni Yada. Hindi ko iniinda ang usok na napupunta sa mukha ko.
"Huy!" tinapik naman ako ni Phan. "Kanina ka pa tulala d'yan ah."
"Gan'yan yata epekto kapag maraming medals," singit naman ni Dam habang ngumunguya noong luto ng mga inihaw.
"Ang sarap kasi nitong barbecue kaya hindi ko mapigilan na matulala," pagdadahilan ko.
"Echosera ka girl!" mahinang kinurot ni Phan ang tagiliran ko. "Kumain din ako ng barbecue pero hindi ako natulala. Babaitang 'to! Halatang hindi marunong magsinungaling."
"Nara, may problema ka ba?" si Yada naman ang nagtanong.
Umiling lang ako. "Wala po."
"Alam mo Nara, tubig lang sa swimming pool katapat niyan!" nakangising sambit ni Dam.
"Oo nga!" dagdag pa ni Phan. Mukhang magkasundo sila ni Dam ngayon. "Swimming na tayo mamaya!"
Pool party pala ang inihanda ng pamilya niya. Nagulat na lang ako dahil wala naman akong extrang damit na nadala. Inihanda lang ito para sa amin. Ang buong pamilya ni Phan tapos sa amin ni Dam.
Inimbitahan din sina Tita Jina iyong mama ni Dam, pati mga kapatid pero tumanggi ito dahil marami pang aasikasuhin sa tindahan nila sa palengke.
Nasa pool naman ang apat na kuya ni Phanny. Naglalaro sila ng volleyball. 'Yung magaan lang naman na bola.
"Tara Nara!" hinatak naman ako ni Phan papasok sa kanilang mansyon.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta." Nagpatianod lang ako sa paghila niya. Inakyat namin ang mataas nila na hagdan. Abot kamay na ang malaking chandelier sa gitna ng mansyon.
Dumiretso kami sa kaniyang kwarto. Ang kwarto niya na may color theme din. Gustong-gusto niya ang mga pastel colors. Kahit anong kulay, basta pastel.
"Wait," aniya at natataranta pa siya. "Umupo ka muna dy'an." Tinuro niya ang kaniyang kama. Umupo naman ako kaagad sa malambot niyang kama.
Umalis na siya sa harap ko at nagtungo sa harap ng malaki niyang kabinet. May hinahanap yata siya.
"Gosh!" tili niya. "This is it, pansit!" inilabas niya ang dalawang swimsuit na nakahanger pa.
"Hoy Phannea!" napasigaw na ako sa gulat. Alam ko na ang binabalak niya.
"Sabi mo wala kang dala na extrang damit?" nakangisi niyang tanong.
"Wala nga, hindi ibig sabihin no'n magsusuot na ako n'yan 'no."
"Nara, sige na... minsan lang naman." Nagmakaawa pa siya. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"Phan, ayoko, hindi naman ako nagsusuot n'yan," pagtanggi ko.