NARA
Sa buhay, nakakatakot talaga maging masaya. Kasi dahil sa bawat kasiyahan siya namang may kapalit na kalungkutan. Kaya minsan mapapaisip ka na lang... Ayaw mo ng maging masaya dahil nakakatakot na.
Pagkatapos nang aming kasiyahan. Nabigla kaming tatlo sa balita ng kapitbahay ni Kira sa kaniya. Matapos nitong tumawag ay bigla na lamang nag sunod-sunod na naglandas ang luha sa pisngi ni Kira.
Ang papa niya sa Palawan ay inatake sa puso at biglaan ang pagpanaw. Hindi na nakaabot sa ospital. Nakikita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Naiintindihan ko siya... Dahil naranasan ko na rin mawalan ng minamahal sa buhay. Noong mamatay si ina.
Kaya nang gabi ring iyon. Nag-book agad si Kira ng flight at bumili ng airplane ticket palipad sa Palawan. Kinabukasan nang madaling araw siya umalis. Nakakalungkot din dahil hindi namin magawang makiramay sa kaniya roon ng personal dahil malayo ang kaniyang probinsya.
Ang lungkot ng ilang araw namin ni Jia nang wala si Kira. Mabuti na lamang ay tumawag si ate Juls sa amin. Mayroon na naman kaming mission laban sa CDL.
"Narabells! Oks ka na?" katatapos ko lang magbihis nang kumatok si Jia sa pinto ng aking kwarto.
Nasa R&S na kami ngayon matapos kaming sunduin ni Raya. Nagulat pa nga kami dahil hindi si ate Juls ang sumalubong sa amin sa labas ng apartment.
Sinalubong ko na palabas si Jia. Nakasuot na rin siya ng uniporme. Ngiting-ngiti naman ang labi niya.
Alam niyo kung bakit?
"Aaaahh! Omg! Excited na ako paandarin 'yung Audi ko!" patalon-talon pa si Jia habang tinatahak namin ang pasilyo ng stones.
Gaya nga nang sabi niya. May sasakyan na siya. Ako? Hindi na lang ako pumayag na bigyan nila ako ng sasakyan. Sobra-sobra na kasi ang naitulong nila sa akin. Sapat na 'yon, at hindi na ako humiling ng kung ano pa.
Nirespeto naman nila ang gusto ko, pati si Jia ay hindi na rin umangal.
"Ready, ladies?" salubong ni Raya. Kasama na rin ang iba pang ladies.
"Yes, Ma'am!" sabay-sabay naming sambit. Silang dalawa kasi ni ate Juls ang kasama namin sa mission.
"Nasaan po si te Juls?" tanong naman ni Jia.
"Nauna na sa sasakyan," sagot ni Raya.
Sumunod naman kaming mga ladies kay Raya palabas ng R&S sa likod. Nandoon na nga si ate Juls sa sasakyan. Kakaiba ang awra nito, parang matamlay at may dinaramdam na sakit? Masama yata ang pakiramdam ni Ate Juls ngayon.
"Te Juls! Amiissssshhuuuu!!!" kaagad na lumapit si Jia kay ate Juls at niyakap ito nang mahigpit.
"J-jianett, a-ano b-ba..." piningot naman ni ate Juls si Jia.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...