Kabanata 39

301 20 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Nanlalabo at dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Ang maliwanag na ilaw ang bumulaga sa akin nang tuluyan na akong dumilat. Nilibot naman ng aking mata ang kabuuan ng silid kung nasaan ako.

Tatayo na sana ako nang maramdaman ang oxygen hose sa ilong ko. May nakakabit din na dextrose sa aking kamay.

Babangon na sana ako nang biglang magbukas ang pinto. Niluwa nito ang isang nurse na may dala pang tray ng mga gamit. Gulat naman ang kaniyang mukha nang masilayan ako.

"G-gising na ang pasyente!" nagkandarap siyang lumabas ulit at naiwang nakabukas ang pinto. "Doc!! Doc!!"

Napahiga na lang ako ulit sa hospital bed. Hinilot ko ang aking sentido. Kumikirot pa rin ang ulo. Kinapa ko naman ang aking tiyan.

Hindi na ito masakit. Pero may nararamdaman akong kakaibang tekstura nito. Ilang araw na kaya akong nandito sa ospital?

Huminga ako nang malalim at pilit na inalala ang lahat.

Nagsunod-sunod ang pag-agos ng luha sa aking mata nang makita ang tatlong pamilyar na mukha sa apat na lalaking nakatayo sa 'di kalayuan sa pwesto ko.

X...

L...

At Z...

Bakit?

Bakit? Sa dinami-rami nang mga tao na makikita ko ay sila pa.

Iyong L na pamilyar na sa akin. Katabi niya iyong V na unang beses ko pa lang na nakita. Sa tabi naman noong V ay si Samondez. Prenteng nakatayo lang siya sa tabi ng mesa. Naka-krus pa ang dalawa nitong kamay. Gulat na gulat ang mukha niya. Kahit na nagre-reflect sa kaniyang salamin ang ilaw mula sa kisame.

At ang huli...

Ang lalaking nakaupo at tamad na nakapangalumbaba sa lamesa.

Si R-rux...

Bakit?

Kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yong Alpha Z.

S-siya...'Y-yung muntik nang pumatay sa akin... S-siya 'yung nakapatay kay ate Juls!

"N-na-r-ra?" isang pamilyar na boses muli ang bumungad sa aking harapan. Isang boses na matagal ko nang hindi naririnig.

Nang masilayan ko ang kaniyang mukha ay lalo nang nanlabo ang mata ko. Unti-unti na rin bumabagsak ang mata ko. Pinilit kong ngumiti sa harap niya kahit may busal ang bibig ko.

Dam...

Ang kababata at kaibigan ko. Ang tagal na nating hindi nagkita.

Na-miss kita Dam.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon