Kabanata 22

329 21 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Agad akong nagtipa sa aking celphone. Upang magbigay ng update kay Ms. Ky. Wala naman kasing kahina-hinala sa mga kilos ng anak ni Samondez. Kung titingnan ay para siyang inonsente at isang happy-go-lucky guy sa University.

Palagi naman siyang nasa building lang nila at madalas sa gymnasium naglalaro ng basketball. Wala namang kakaiba sa mga kinikilos niya.

Ilang araw na akong nagmamatyag sa kaniya. Pero wala naman akong nakuhang impormasyon. Siguro dahil limitado lang ang lugar na napupuntahan niya rito sa school. Napa-isip na rin ako kung dapat ko ba siyang sundan kahit sa labas ng school. Wala naman kasing sinabi si Ms. Ky.

"Nara!" napatigil ako sa pagtitipa nang may tumawag sa akin sa pinto ng room. "Pinapatawag ka ni Dean sa office niya! ASAP daw!" sigaw ni Dexter sa akin.

Kumunot ang noo ko. "H-ha? Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh, napadaan lang ako kanina sa faculty tapos sinabihan ako ni Sir George!" maging ang ibang mga kaklase ko ay napapatingin din kay Dexter. Bakit ba ayaw niyang pumasok sa loob para makausap ko siya nang maayos.

"Ah sige, pupunta na ako," ani ko.

Inayos ko na ang gamit ko sa bag. Bakante naman ang oras namin ngayon kaya wala kaming ginagawa.

"Hala! Girl! Anong ginawa mo?! Bakit ka pinapatawag ni Dean?" gulat ang mukha ni Jella sa tabi ko.

"W-wala ah, hindi ko rin alam kung bakit eh," sagot ko.

"Goodluck girl!"

Napabuga na lang ako ng hangin. Wala naman akong ginagawang masama ah. Nananahimik lang ako sa rito sa room.

Bakit kaya ako pinapatawag ni Dean?

Nakahawak ako sa magkabilang strap ng bag ko habang naglalakad papuntang Dean's office.

Hindi rin nagtagal at nakarating ako sa Dean's Office. Nasa main building pa ito at may kalayuan din sa building namin.

Nasa tapat na ako ng pinto. Napabuga ulit ako ng hangin bago kumatok.

"Please, come in!" malakas na boses ng isang babae ang nagsalita.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dean.

Si Ms. Fernanda Calmo Cunsino.

Ang dean namin na matandang dalaga. Ang makapal na salamin niya ang nagpadagdag pa sa pagiging istrikta ng kaniyang mukha.

"Good morning po," pagbati ko.

"Good morning din, Ms. Garcia. Maupo ka na," aniya.

Itinuro niya ang isang upuan sa tapat ng kaniyang table.

"B-bakit niyo po ako pinatawag?"

"Later, hintayin muna natin si Cortezano," sagot ni dean bago naglabas ng folder.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon