Kabanata 19

378 21 1
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Kasalukuyan akong nakikigamit ng laptop ni Kira. May oras at panahon na ako para magsimula ulit, para tuparin ang huling habilin ni ina na hanapin ang mga kapatid ko.

Ilang buwan ko rin itong ipinagpaliban ngunit alam kong hindi magiging masaya si ina sa ginagawa ko. Kaya ngayon, sinusubukan kong hanapin sa internet ang pangalan na Merina Echavez.

Naka-ilang search na ako sa facebook at nagbabakasakali na mahanap ang account nito.

Merina Echavez

Echavez Merina

Merina

Echavez

Hindi ko alam pero wala talagang lumalabas. Sinubukan ko na ang lahat ng pwedeng maging pangalan niya. Ang mahirap dito ay baka ibang pangalan ang gamit niya.

"Nara, magmerienda ka muna." Bitbit ni Kira ang tray ng tinapay at juice. Tumabi siya sa akin saka nilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Salamat,” ani ko.

"Si Jia, tulog pa?" tanong niya. Alas tres na pero mahimbing pa rin ang tulog ni Jia ngayon.

"Uhm, nagpuyat 'yon kagabi. Nilulubos ang sem-break natin," sagot ko nang nakatitig pa rin ang mga mata sa laptop.

"Sino ba 'yang hinahanap mo?" lumapit pa siya sa screen ng laptop. "Merina Echavez?" patanong niyang binasa ang nasa search bar.

"Uhm, siya lang kasi ang makakatulong sa akin para mahanap 'yung mga kapatid ko."

"Ah, bakit? Nawawala ba mga kapatid mo?" tanong niya habang ngumunguya ng tinapay.

"Hindi ko alam kung paano ko ie-explain eh, pero parang gano'n nga, pero hindi rin. Kasi bata pa lang nagkahiwa-hiwalay na kami. Nalaman ko lang na may mga kapatid pa ako nang mamatay si ina.

"Akala ko nga nag-iisa lang ako. Gusto ko lang tuparin 'yung hiling ni ina sa iniwan niya sa aking sulat." Nag-iinit na ang paligid ng mata ko.

Ngayon lang ako ulit nakapag-open nang ganito sa ibang tao. Si Jia lang kasi ang napagsasabihan ko tungkol dito. Hindi rin alam ni Phanny ang tungkol sa sulat ni ina.

Balak ko naman sabihin sa kaniya pati kay Dam ang tungkol dito pero hindi pa talaga ngayon. Buti na lang at nakilala namin ni Jia si Kira.

"Okay lang 'yan Nara, mahahanap mo rin ang mga kapatid mo, tiwala lang!" Hinaplos niya ang aking likod.

"Salamat Kira." Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Dahil tinutulungan niyo ako ni Jia sa pagtitinda ko. Ako naman ang tutulong sa'yo," aniya saka ngumiti. "Habang hindi mo pa nahahanap mga kapatid mo, kami na lang muna ni Jia ang kapatid mo. Okay ba?" nag-wink pa siya at nag-thumbs up.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon