NARA
"Good morning Nara!" masiglang bati ni Jella nang mailapag niya ang kaniyang bag sa upuan.
"Good morning din!" bati ko naman.
"Na-miss kita ah! Puro ka na lang practice! Tapos kasama mo pa 'yung Yssa na 'yon. Hmp! Nagtatampo na ako sa' yo!" padabog naman siyang umupo at nangalumbaba sa harap ko.
Natawa na lang ako kay Jella. Hindi naman daw siya galit kay Yssa o dahil baka raw nai-insecure lang siya. Naguguluhan din siya sa sarili niya kasi hindi niya alam kung ihe-hate niya si Yssa o iidolohin.
"Alam mo Jel, ang bait ni Yssa. Kung ako sa'yo 'wag ka na bitter d'yan." Nagpout naman siya sa akin.
"Sus! Sinasabi mo lang 'yan kasi close na kayo," aniya pa.
"Hindi naman kami sobrang close... Sakto lang."
"Tsk!" iyon lamang ang reaksyon niya.
"Jel... maganda ka rin naman eh, iba nga lang 'yung ganda mo sa ganda niya. At saka ang bait niya talaga pwede mo rin siyang kaibiganin."
"Nako te! Hindi na, famous 'yon, masyadong ma-showbiz ang buhay. Nako, nako ingat-ingat ka na lang sa mga paparazzi na nakaabang d'yan." Sabay tungo naman niya sa kaniyang desk.
Mukhang hindi ko na mababago ang isip niya. Desidido na ata talaga siya.
"Nakapag-review ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Review-review pa, eh, babagsak din naman," sagot niya.
Natawa na lang ako sa sagot niya. Parang mala-Jia rin siya. Nang tanungin ko rin kasi si Jia kanina bago kami pumasok kung nakapag-review na siya ganoon din ang sinagot niya.
Maaga kasi akong pumasok ngayon para makapagreview pa ako sa exam namin. Finals week na kasi.
Nakahahabol naman ako sa mga lessons namin. Kaso lang talaga isang bagsakan na yung pagre-review ko kaya medyo magulo pa ang utak ko.
Bumalik na ulit ako sa pagrereview. Ni-recite ko ulit ang mga batas na sinaulo ko kagabi. Sa ObliCon kasi namin kailangan pa 'yung mga batas para may pang-support sa mga situation na sasagutin namin.
"Jusko! Nara! Kasama pa ba 'yang mga batas na 'yan?" napatigil ako sa pagre-recite at napalingon kay Jella.
"Incase lang, para sa supporting details."
"Oh my gosh!" napaayos na nang tayo si Jella. "Nakakaloka mag-aral!" naglabas na siya ng notebook at inilagay ito sa ulo niya.
"Akala ko naman mag-aaral ka na? Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Ganito ako magreview Nara. Shhh." Pumikit lang siya ipinagpag pa sa tapat ng kaniyang ulo ang kaniyang notebook.
"Huh?"
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...