NARA
Alas nuwebe na nang umaga ako nagising. Pagbangon ko pa ay himalang wala na si Jia sa tabi ko. Nahirapan ako makatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako uminom ng kape bago matulog.
Pagkatapos kong magligpit ng hinigaan ko ay lumabas na agad ako ng kwarto.
"Good morning!" bati agad ni Kira nang maabutan ko siya sa sala.
"Morning Ki, nasaan si Jianett?" lumingon-lingon muna ako bago pumunta ng banyo.
"Ah, nasa baba kinuha 'yung parcel niya tapos didiretso na rin daw siya grocery," ani Kira.
"Ah,” tipid kong sagot.
Kaya pala siya maaga nagising. Ano na naman kayang in-order no'n? Ang bruha, adik na adik sa pagbili online. Tapos magrereklamo sa amin na wala na raw siyang ipon.
Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin para maghilamos.
"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!"
"Nara?! Bakit?! Anong nangyari sa'yo?!" malakas ang pagsigaw ni Kira sa labas. Dinig ko na rin ang pagtakbo niya dahil hindi ko naman sinara ang pinto.
Pumikit muna ako nang mariin at humingang malalim.
"Nara!!"
"S-sorry K-ki... nabigla lang ako sa eyebags ko."
Itinuro ko naman sa kaniya ang ilalim ng mata ko. Itim na itim ito nang humarap ako sa salamin. Kaya hindi ko na napigilan ang pagsigaw.
"Diyos ko po! Akala ko kung napaano ka na." Napahawak pa si Kira sa dibdib niya.
Nakarinig naman kami ng pagbukas ng pinto sa labas. Sumalubong naman agad ang malakas na bunganga ni Jia.
"Narabells! Kikibells!" bungad ni Jia sa amin.
"Sige Nara, balik na ako sa ginagawa ko. Mag-ingat ka d'yan baka madulas ka naman," ani Kira.
Tumapat na ulit ako sa salamin. Sobrang itim talaga ng eyebags ko! Hindi ko na namalayan kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi.
Binuksan ko na ang gripo at nag-umpisang maghilamos. Nakatitig pa rin ako sa salamin habang binabasa ang mukha ko. Kailangan kong makatulog mamaya nang maaga. Para makabawi ako ng tulog. Sabi pa naman ni Yssa kailangan ko ng beauty rest para sa laban. Pero heto ako ngayon, malalim at sobrang itim ng eyebags.
Sakto paglabas ko ay nasa kusina si Jia nag-aayos ng mga pinamili niya.
"Ano na girl? Puyat ka 'no! Anyare ba sa'yo? Para kang may bulate sa pwet kagabi hindi ka man lang mapakali."
Kumuha lang ako ng tasa para magtimpla naman ng gatas at hindi na siya pinansin.
"Nara, may pipino pala d'yan sa ref. Kung gusto mo gamitin mo mamayang gabi," sambit naman ni Kira.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Genel KurguLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...