NARA
"Phanny! Anong ginagawa mo rito?!" patakbo akong lumapit sa kaniya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Sa sobrang tagal naming hindi nagkita, labis ang pagka-miss ko sa kaniya.
"I miss you!!" sambit niya habang hinahaplos ang likod ko.
"I miss you too!!"
"Omg! Nara! You're so pretty as usual! Parang ang blooming mo ngayon ah!" nakangisi na siya pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap.
"Sus, hindi naman. Ikaw kamo, tingnan mo ang ganda-ganda mo," ani ko.
"Enebe! Maliit na bagay!" may paghawak pa siya sa kaniyang buhok. "Anyway, you even look sexier! Teka? You're working out 'no?! Grabe naman! Parang nagka-muscle ka na rin! Spill your secret please! Nag-Manila ka lang eh," sambit niya.
Hinila na niya ako sa katabi ng upuan niya. Pang-animan ang lamesa at upuan kung saan sila nakapwesto kaya sakto naman kami.
Sa kanan ni Phan si kuya Jandro na nagpipindot sa kaniyang phone at ako naman sa kaliwa. Katapat ko si Zian, gitna si kuya Primo na nagbabasa at pinakagilid naman si Zev na hawak din ang phone.
Inikot ko ang aking mata sa kabuuan ng shop. Ang chill lang ng ambiance. Ang lakas maka-aesthetic ng mga gamit. Combination of pastel purple and mint green ang color theme. Halata naman talaga kung sino ang may-ari.
May mga pwesto rin na magandang kuhanan ng pictures, mag-selfie at group picture. Ito pala ang shop nila, ang Z&Z Cafe.
Nakita ko ang list ng mga products nila sa taas ng counter. May coffee, tea, frappe, at ibang variation ng mga beverages. May mga bread, cake at cupcakes din at iba-iba pang foods na pang-family or barkada.
"Omg! Omg! Kumpleto tayo today ah!" hindi magkanda-ugaga si Phan sa pag-aayos niya.
"I'll go there." Itinuro ni Zian ang pinakaloob pa ng shop sa likod ng counter. "I'll prepare our foods."
"Sama!" si kuya Jandro. Tumayo siya sa tabi ni Phannea saka sumunod kay Zian.
"Kuya!" napalingon ang dalawa sa pagtawag ni Phan. "Kuya Jandro! Can you also get the cupcakes that I've made for Nara? Thank you!"
"Sure, baby," sagot naman ni kuya Jandro. Umirap lang si Zian sa tabi niya. Dahil hindi naman siya tinatawag ni Phanny ng kuya.
"You know what Nara? I really miss you na talaga! Buti pinayagan ako ni daddy na magpunta rito sa Manila."
"Akala ko tumakas ka na naman," ani ko saka pinisil ang kaniyang pisngi. Napangiwi naman siya. Na-miss ko ang pagpisil sa pisngi niya.
"Hindi ka naman papayagan ni daddy kung hindi dahil sa amin," singit ni Zev sa gilid. Pero hindi pa rin naaalis ang tingin sa kaniyang phone.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Ficção GeralLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...