Kabanata 42

341 18 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Nabalot ng katahimikan ang mansyon. Ilang araw ng ganito simula nang mailibing si Dad. Hindi ko lubos maisip kung bakit ngayon pa. Kung kailan magkakasama na kami ay saka pa kami iniwan ni Dad saka pa siya sumunod kay ina.

Parang hinintay niya lang talaga na makumpleto kaming magkakapatid. Pero hindi eh, sinadya ang pagpatay sa kaniya.

Hiniling ko na lang na gabayan niya kami ni ina mula sa langit. Sana maging masaya sila doon dahil kahit may naging hadlang sa kanila noon. At least sa langit, gusto ko silang maging masaya.

Masama ang magtanim ng sama ng loob. Iyon ang itinuro ni ina sa akin simula pagkabata. Kaya siguro ako ganito, hindi ko kayang magalit ng todo. Hindi ko kayang magtanim ng galit at sama ng loob sa ibang tao.

Sana matapos na ang unos na nararanasan ko. Naming magkakapatid. Dahil sa totoo lang napapagod na ako. 'Yong mga kapatid ko na lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas.

Marami pa akong natutunan kay ina. Kung bakit ganito ako kalakas kahit pagod na pagod na pagod na ako.

Hanggang may buhay, may pag-asa.

Mahalaga ang buhay. Hindi ko ito sasayangin lang. Kahit paubos na nang paubos ang rason ko para lumaban. Maghahanap pa rin ako nang paraan para magpatuloy.

Sobrang swerte ko talaga dahil nahanap ko na ang mga kapatid ko.

Ang pinakamasakit sigurong parte ng buhay ko ay ang makatanggap ng sulat mula sa yumaong mahal ko sa buhay. Ang akala ko ay tapos na ako rito, na pang huli na 'yung kay ate Juls... Hindi pa pala.

"Hindi habang buhay ganito tayo," ani naman ni Kira sa amin.

"We will fight for Dad and Mom. We will make them proud." si Yssa.

"Uhm... Lalaban tayo,"  sabi ko.

Nasa loob kami ng office ni Dad. Kasama si Ms. Min at ang abogado ng aming pamilya. Pinatawag niya kami dahil sa mahalagang announcement. Tungkol ito sa kayamanan na iniwan sa amin ni Daddy.

"All the documents were fixed since last year." Nagulat naman kami sa tinuran ni Ms. Min. "Mr. Edmundo secured that all of his wealth will be given to his three daughters."

Humahanga ako sa katapatan ni Ms. Min sa Daddy namin. Kahit na naging sunod-sunuran siya noon kay Lady Oprah.

"Buti nga sa bruha na 'yon," utas ni Yssa. "Hindi habang buhay siyang makakapagtago. Sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan dahil sa ginawa niya kay Dad." Kumuyom ang kamao ng kapatid ko.

"Lahat ng pamana, ari-arian, negosyo, kompanya... Lahat... Ay pantay-pantay na ipinamahagi sa inyo ni Sir." Nakangiti naman si Ms. Min sa amin.

"Salamat po Ms. Min!"

"You're welcome, Ms. Yssa." Itinapat naman sa amin ni Ms. Min ang mga dokumento na kailangan naming pirmahan. "Kailangan na lang ang pirma niyo."

Matapos naming pirmahan ang mga dokumento ay mabilis din kaming umalis aming building. Ang DGC, o Delgado Group of Companies. Ang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong Pilipinas... Kay Ms. Min muna namin iniwan ang kompanya. Sa kaniya muna namin ipinagkakatiwala ang pagpapatakbo nito.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon