NARA
Tumatakbo ako papasok ng gate dahil huli na ako sa klase. Tagaktak na ang pawis ko. Iniayos ko rin ang suot kong anti-radiation glass.
Nagsuot talaga ako nito dahil kitang-kita ang nangingitim kong eyebags. Hindi naman malabo ang mata ko, para lang maitago ang eyebags ko.
"Manong guard! Wait po!" pigil ko sa guwardiya na isasara na ang gate.
"Late ka na Miss, nasaan ang ID mo?" bungad ng guard sa akin.
Kinapa ko ang leeg ko.
Oh my God!
Wala akong suot na ID. Hindi na ako pwedeng bumalik sa apartment!
"A-ah, M-manong naiwan ko po kasi,” sambit ko.
"No ID, No entry," ani ng guard. Napangiwi ako nang marinig ang sinabi niya. Napakahigpit naman talaga rito sa school namin.
*Peep *Peep
Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa akin dahil may papasok na sasakyan.
"Miss, tumabi ka muna d'yan," utos ng gwardiya. Tumabi naman ako dahil dadaan ang sasakyan.
Nakababa ang bintana sa tapat ng driver. Bumati naman ito sa gwardiya.
"Salamat pre!" sumaludo pa sila sa isa't isa.
Habang padaan ang sasakyan ay napasilip ako sa bandang likuran nito. Kung saan nakasakay ang isang babae na nakasuot ng uniporme ng aming school.
Malayang nakapasok ang sasakyan nila. Walang problema. Hindi na nga chineck kung may ID ba 'yung student sa loob. Iba talaga kapag may sariling sasakyan.
Ayoko na lang magsalita.
Napabuntong hininga ako.
"Manong baka naman pwede akong makapasok kahit ngayon lang? Promise po, hindi na ako uulit." Pagmamakaawa ko.
"Miss, kung ako sa'yo bumalik ka na lang sa bahay niyo at kunin mo ang ID mo,” aniya pa.
"Manong baka nam—"
"Hindi pwede, malay ko ba kung hindi ka rito nag-aaral. Tsaka kahit naka-uniform ka, baka outsider ka na nagsuot lang ng gan'yan."
"Hi-hindi po Manong!” mabilis kong sagot.
"Nako, sanay na ako sa mga gan'yang modus miss. Ipakita mo muna sa akin ID mo," aniya saka niya ako pinagsarahan ng gate.
Mukha ba akong masamang tao?
Naiwan akong tulala. Hindi ko alam gagawin ko. Wala naman si Jia. Nasa apartment dahil hindi muna siya pinapasok ni ate Juls dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ko alam na may ganoon palang nangyayari sa kaniya. May mga gabing binabangungot siya, simula nang mahuli siya ng isang miyembro ng Croc 'D Lite at paghahatawin ang kaniyang paa. Nagkaroon siya ng trauma sa pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Ficción GeneralLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...