Kabanata 3

726 36 1
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Happy seventeenth birthday Nara!!" malakas na pagbati ni Phanny pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Salamat, Phanny." Yumakap naman ako pabalik.

Nag-init ang dalawang mata ko. Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak ngayong kaarawan ko. Ito kasi ang unang kaarawan ko na wala si Ina.

Pero... may mga kaibigan naman ako na palaging nasa tabi ko.

"Tama na 'yan, iiyak na si Nara oh." Hinila naman bigla ni Dam si Phanny.

"Tsk." Singhal ni Phan sabay irap sa ere. Natawa naman ako.

"Happy Birthday Nara, pasensya ka na ito lang nakayanan namin ni Phan, kuripot kasi mag ambag 'tong richkid na 'to." Nguso niya kay Phanny at pinanlisikan naman siya ng mata. Humarap siya sa akin at kumamot sa kaniyang ulo.

"Naku! H'wag ka nang humingi ng paumanhin. Malaking bagay na itong pag-sorpresa niyo sa'kin... Maraming salamat!"

Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga pagkain sa maliit naming mesa. Ito ang unang beses na may nagsorpresa sa akin.

"Sabi mo 'yan ha, oh siya 'wag mo na ituloy 'yang pag-iyak mo ang panget mo pa naman kapag umiiyak." Ngumisi siya saka ginulo-gulo ang buhok ko.

"Aba!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hoy! Damboy! Manahimik ka nga d'yan kung wala kang matinong sasabihin," asik ni Phanny kay Dam.

"Tch. Manahimik mo mukha mo."

"Hoy!"

"Kain ka kahoy!" putol ni Dam.

Kapag talaga nagsama ang dalawang 'to parang aso't pusa. Sanay na sanay na ako sa pagbabangayan nilang dalawa.

"Shut up, ang epal mo," sagot ni Phanny

"Shut up, ang epal mo." Panggagaya ni Dam kay Phanny.

"Tch. Rich kid na 'to, umuwi ka na sa mansyon niyo tiyak hinahanap ka na naman ni Yada o kaya ni Manang Belen. Kami na lang ni Nara kakain ng mga 'to," ani Dam.

Tinuro niya pa ang mga handa na chocolate cake, spaghetti, at coke na pinag-ambagan pa raw nila.

"Excuse me, nagpaalam ako kay Daddy!"

"Share mo lang?" pambabara ni Dam.

Napahawak na lang ako sa aking noo. Bago pa man tumayo si Phanny ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon