Kabanata 26

305 21 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Ilang araw na ang lumipas matapos ang aming misyon. Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari.

"PK001!!!" malakas ang pagsigaw ni Jia sa aking likod. Napalingon agad ako at nanlaki ang mata ko ng sasaksakin na ako no'ng lalaki na sinipa ko kanina.

"AH!!"

Hindi ko na ito nagawang salagin ng katana ko...

Sapagkat ay...

Nasaksak ko na ito sa kaniyang dibdib...

Dumaloy ang kaniyang dugo sa metal ng hawak kong katana...

Hindi ko ito magawang hatakin pabalik...

Hindi ako makagalaw...

Hindi ako mahinga...

Tanging ang pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko...

"Na-N-narabells..." mahinang pagtawag ni Jia. Gulat ang namutawi sa kaniyang mukha. May bahid ng pag-aalala ang kaniyang mata na nakatuon lamang sa akin.

Nanginginig at dahan-dahan kong hinila pabalik ang aking katana. Matapos noon ay dilat at nakabukas ang bibig ng lalaki saka ito bumagsak sa sahig.

"J-ji..." Nangangapa ako ng sasabihin. Ngunit walang lumalabas sa bibig ko.

Kaagad na lumapit si Jia. Lumuhod siya sa tapat ng lalaking nakahandusay sa sahig. Hinawakan niya ang leeg nito at kinapa ang pulso.

Ilang segundo lang ang lumipas nang mapailing si Jia. "Mahina at bumabagal na ang pulso niya. Kung hindi siya maaagapan maaari siyang mamatay."

Napalunok ako ng laway.

"Nara," ani Jia. "H'wag kang matakot ha, kumalma ka lang."

Gaya nga ng sabi niya. Kumalma ako. Pero hindi talaga ako mapalagay. Hindi mawala sa utak ko ang nagawa ko.

"Ladies! Gumagalaw ang lokasyon ni Giselle!" nabalik ako sa tamang pag-iisip ng marinig ang malakas na sigaw ni Tari.

"Nara! Jia! Malapit lang ang lokasyon niya sa inyo!" si Ms. Ky naman.

Kaagad kaming naalarma ni Jia. Tumayo na si Jia at tinungo ang direksyon ng hagdan.

"Tara na!" nauna na siya. Pero bigla akong napatigil nang may humawak sa binti ko.

"H-hindi p-pa t-tayo t-tapos..." nahihirapan na siyang magsalita. Halos hindi ko na rin marinig ang boses niya. Kumapit pa siya ng mahigit sa aking binti.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon