NARA
Huminto ang Audi ni ate Juls sa parking lot ng DNU. Nagtungo kami ngayon sa school para ayusin ang enrollment papers namin. Si ate Juls kasi ang magsisilbing guardian namin ni Jia kaya siya ang kasama namin.
May mga nakakasalubong pa kaming ibang mga estudyante na magpapa-enroll. Dumiretso na kami sa registrar's office. Mahaba-haba na rin ang pila nang dumating kami.
"Kunin niyo na lang muna ang mga uniforms niyo ro'n," ani ate Juls saka tinuro ang malaking covered court ng DNU. "Para pagkatapos ko rito nakuha niyo na rin ang mga uniforms niyo. Tapos diretso na tayong apartment." Tumango naman kaming dalawa ni Jia.
May iniabot naman siya sa amin na resibo galing registrar. Matagal na ang petsa na nakalagay dito.
"Maganda kaya ang uniforms nila rito?" tanong ni Jia. Habang hinaharang ang kaniyang kamay sa sikat ng araw. Nakalimutan kasi naming magdala ng payong, naiwan lang sa sasakyan.
"Malalaman natin kapag nakuha na natin," kumento ko. May kahabaan na rin ang pila nang makapunta kami ng court. Hinanap namin ang pila para sa mga freshmen students.
"Shemay! Ang haba na agad ng pila!" reklamo naman ni Jia. Nakahawak pa siya sa magkabila niyang bewang habang nakangusong sumunod sa pila.
"Okay—" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang isang mistisang babae sa katapat naming pila. Dalawang pila kasi ang para sa mga freshmen.
"Ew! There's a probinsyana girl right there oh," sabi nito at maarteng tinuro si Jia. "Her skin is so dark, siguro hindi siya naghihilod ng katawan." Nadidiring sambit nito sabay tawa.
Hindi naman ito nakalagpas sa tainga ko pati na rin kay Jia. Nakita ko ang mukha ni Jia na naniningkit at naiiling na lang.
Alam ko na naman ang susunod niyang gagawin. Kaya hinawakan ko na siya sa braso.
"Narabells, hindi naman ako gagawa ng gulo. Gusto ko lang masampolan 'tong mga bruha na'to." Nakangiti siya sa akin pero ramdam ko ang panggigigil niya.
"Malalagot tayo kay ate Juls."
"Promise," aniya sabay kindat.
Nakapamulsa siyang lumapit sa dalawang babae. Bakit ba kasi sa lahat nang mapupuna nila ay si Jia pa? Si Jia na sanay na sanay nang lumaban sa mga bullies.
Nandidiri naman ang dalawang babae sa kaniya. "Oh my gosh," sambit nila.
"Hi!" masiglang bati ni Jia. "May problema yata kayo sa balat ko ah?" nakangising tanong nito sa dalawang babae.
"Don't you—"
"Kapag ba ganito kulay ng balat hindi na agad naliligo? O kaya hindi na agad marunong maghilod ng katawan?" kalmado lang si Jia sa kaniyang pagtatanong.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...