La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
"Hays! Malas naman ng first day ko!" reklamo ni Jia habang naglalakad na kami pauwi ng apartment.
"Bakit?"
"Kasi Narabells! First subject namin wala instructor namin. Eh, ako 'tong si bida-bida nagpresinta na ako na maghahanap. Tapos, wala sa faculty, nasa gymnasium daw. Ayun nagpunta ako gymnasium tapos hindi ko alam na basa pala 'yung sahig! Kaya nadulas ako!
"Argh! Kairita! May nakakita sa akin na isang estudyante hindi man lang ako tinulungan! Narabells! Tiningnan lang ako! Argh!!" ramdam ko na ang pagka-gigil niya.
"Napakasama ng ugali! Tapos 'edi nagtanong na lang ako kung kilala niya si Sir Thom. Eh hindi lang pala ako bida-bida, uto-uto rin nako po! Naniwala naman ako sa sinabi niya! Nasa Library daw, eh wala naman doon. Girl, pagbalik ko ng room hindi na nila ako maka-usap. Na-badtrip ako buong araw."
Tuloy-tuloy at walang patid sa pagsasalita si Jia. Namumula na rin ang mukha niya, kita pa rin ito kahit kayumanggi ang balat niya.
"Alam mo, para mawala na 'yang inis mo bili na lang tayo ice-cream tapos fries. Mag movie marathon tayo pag-uwi," suhestyon ko.
Ngayong week kasi namin ay puro orientation pa lang. Next week pa 'yung regular class.
"Yey!" tuwang-tuwa naman siya.
"Pero libre mo!" pahabol ko.
Nalugi ang mukha niya. "Awts."
"Joke lang, tara na!" hinila ko naman siya papunta sa isang grocery store malapit lang sa inuupahan naming apartment.
"Orientation week niyo rin ba?"
"Oo, umay nga sa introduce yourself eh."
"Gano'n din sa amin," sagot ko.
Tamad na tamad naman si Jia kumapit sa aking braso. Naalala ko tuloy si Phannea. Palaging nakasukbit ang kamay niya sa braso ko. Ang pinagkaiba lang ay ang bigat ng kamay ni Jia kahit mapayat.
"Ano bang flavor gusto mo?" nilingon ko naman siya.
"Rocky Ro—MAMA!!" napatalon naman siya sa gulat. Parang nakakita ng multo. Kaya nagulat na rin ako dahil 'diko alam kung napaano na siya. Pilit siyang sumiksik sa likod ko, kapit na kapit sa akin.
"Jia? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Ayun oh!" turo niya. Tiningnan ko ang direksyon na iyon.
"Ano ba Jia, akala ko naman nakakita ka na ng multo d'yan."
"Narabells naman eh! Takot kaya ako sa aso! Nakagat na ako nang bata palang ako," aniya at parang maiiyak pa yata siya.
Unti-unti nang lumapit ang kulay brown na aso— pomeranian ito... parang pamilyar ito sa akin. Kaya nilapitan ko na rin. Nakakapit pa rin sa likod ko si Jia.