La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Nang makapasok ng Rocks ay sinalubong kami ni Ms. Ky. May bitbit pa siyang malaki at kulay berdeng bag. Sinabayan naman niya kami sa paglalakad.
"How's your foot Jia?" tanong ni Ms. Ky kay Jia.
"Okay lang po, nagamot na 'to ni Sayti kagabi."
"Pumunta ka lang kay Sayti kapag kailangan mong magpagamot." Tumango lang ang kasama ko.
Habang tinatahak namin ang papasok ng Stones ay tinitingnan ko ang mga mannequin na nakabihis ng magagandang damit. Ang Stones ang pinakaloob pa ng Rocks at sikretong lugar ito.
Namamangha pa rin talaga ako sa lugar na ito. Sa labas ay makikita mo ang isang simpleng boutique na puro tinda ay mga damit. Pero may bagay pa itong itinatago, na ang maaaring makaalam lang ay kaming mga nagtatrabaho dito sa Rocks.
Bumaba kami sa pinakabodega ng Botique. Dito lahat nakatambak ang mga tela at damit at kung anu-ano pa na nilalabas ng Rocks. Nang una akong nakapunta rito ay hindi ko alam ang mga dinaanan namin. Wala ako sa wisyo noon. Kaya nagulat talaga ako.
May ginalaw na frame si Ms. Ky sa ibabaw ng isang cabinet. Kung kaya'y bumukas ang isang secret passage sa likod nito.
Nadaanan na namin ito no'ng nakaraan, pati noong unang punta ko pero hindi ko lang natandaan. Pumasok kami rito hanggang sa nakarating kami sa malawak na office ni Ms. Ky.
Ang office niya na halos kulay pula ang mga gamit. Ang sofa, mesa, upuan, painting, at iba pa. Kumikintab din ang mga ito na parang may mga glitters sa sobrang linis.
Sa kaliwang parte ng kaniyang office ay makikita ang malaking double door na pinasukan namin noong nakaraan din. Sa loob nito ang Stones. Pumasok na kaming apat. Nauuna naman si Ms. Ky at ate Juls.
"Hi Jia! Hi Nara!" bati ni Sayti sa amin.
Nakasuot ito ng lab coat at gloves. Mas maputi pa siya sa suot niyang lab coat dahil sa makinis at maputi niyang balat. Siya naman ang doctor dito sa Rocks. Matanda lang siya sa amin ng ilang taon kaya ayaw niyang tinatawag na Doktora o kaya Doc Sayti.
"Sayti!!" niyakap naman siya ni Jia. "Salamat pala kagabi!"
"Kapag umulit ka pa, hindi na kita gagamutin, pasaway," asik ni Sayti. Maging si Sayti ay galit kay Jia. Hindi ko naman matanong kung ano ang nangyari sa kaniya kagabi.
Ngumuso lang si Jia. "Ouch, hindi na nga mauulit," sambit niya.
"Nara, lumabas na rin 'yung result ng checkup at mga tests sa'yo." Nalipat naman ang tingin niya sa akin. "All in all, you're healthy and fine!"