Kabanata 24

319 17 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Iniayos ko ang pwesto ko sa pagkakahiga. Ang kaninang tahimik kong mundo rito sa clinic ay nagulo dahil sa ingay ni Jia.

"Narabells! Ano ba? Gusto mo ba ako na lang pumalit sa'yo?!"

"Ji... 'wag ka na umasa... alam mo na..." natatawa naman si Kira sa kabilang side ko.

"Tch! Ayan gan'yan ka Ki! Porket wala akong boobs! Palibhasa malaki boobs niyo ni Narabells eh!"

"Jianett!" saway ko.

Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig niya. Nakakahiya naman kung may makarinig sa kaniya na ibang tao.

"A-ah, sorry Narabells! Saka hindi rin pala ako puwede pumalit sa'yo, bobo nga pala ako, sorry akin,” aniya sabay tawa.

"H'wag mo na i-text si ate Juls... tiyak ay mag-aalala lang iyon," sambit ko.

"Huh? Sige, ikaw bahala. Sure ka ba na kaya mo?" paniniguro niya.

Tumango naman ako. "Uhm."

"Testing nga." Sabay pisil niya sa kaliwang paa ko.

"Ouch!" sinamaan ko naman ng tingin si Jia.

"Oh! Tingnan mo masakit eh! Anong kaya mo na?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.

"Okay lang naman eh, hindi mo na kailangan pisilin."

"Mas pasaway ka pa pala sa akin eh!" seryosong sabi ni Jia.

Ngayon ko lang nakita na seryoso ang mukha niya. Kanina pinagloloko niya pa kami ni Kira.

"Narinig ko pala kay Sir George 'yung nangyari," ani Kira. "Pinapalitan na raw si Ms. Sugar. Nag-report agad si Sir kay Dean."

"Hayst! Mabuti nalang talaga at hindi kami nag pang-abot! Kung hindi nako, nako! Makakalbo ko 'yung sirena na 'yon!" gigil na tugon ni Jia.

Para siyang nanay na handang ipaghiganti ang kaniyang anak na inapi.

"Buti na nga lang..." hinaplos naman ni Kira ang kamay ko. "Kung nandoon lang ako... Baka masampal ko iyon ng kaliwa't kanan."

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ni Kira. Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa pinagsasabi ng dalawa.

"Aw, dahil sa akin magiging brutal kayong dalawa?" natatawang tanong ko.

"Aba oo!! Walang ibang puwedeng umaway sa'yo Narabells! Ako lang dapat!" sabi agad ni Jia.

"Ano?"

"Charing!" sabay ngisi niya. "Teka? Sino pala 'yung naghatid sa'yo kanina rito?"

"Ah, si Cortezano 'yung ka-partner ko," sagot ko.

"Nakasalubong namin siya kanina ni Jia eh," dagdag naman ni Kira.

"Infairness girl! Ang gwapo ah! Tapos ang tangkad pa! Bongga! Tapos matalino pa! Hala! Bagay kamo kayo!" kakaiba ang ngiti ni Jia sa akin.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon